Pumunta sa nilalaman

Blitzkrieg

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang blitzkrieg ( /ˈblɪtskrɡ/ BLITS-kreeg, Aleman: [ˈblɪtskʁiːk]  ( pakinggan); mula sa Blitz 'kidlat' + Krieg 'digmaan') ay isang salita na ginagamit upang isalarawan ang isang sorpresang pag-atake ng pinagsama-samang armas gamit ang isang mabilis, puspos na konsentrasyon ng puwersa na maaring binubuo ng mga pormasyong ng impanterya nakabaluti, nakamotor o nakamakina, kasama ang artilerya, pag-atake sa himpapawid at malapit na suporta sa himpapawid, na naglalayong lumusot sa mga linya ng depensa ng kalaban, pagkatapos palinsarin ang mga dumedepensa, tanggalin ang balanse ng kalaban sa pamamagitan ng pagpapahirap sa kanila na tumugon sa pagpalit ng prente, at talunin sila sa isang mapagpasyahang Vernichtungsschlacht: isang labanan ng pagkalipol.[1][2][3][4]

Sa panahong interwar, naging ganap na ang mga teknolohiya ng sasakyang panghimpapawid at tangke at pinagsama ito sa sistematikong aplikasyon ng ng tradisyunal na taktikong Aleman na Bewegungskrieg (maniobra ng digmaan), malalim na mga penetrasyon at pag-iwas sa malakas na mga punto ng kalaban upang palibutan at wasakin ang mga puwersa ng kalaban sa isang Kesselschlacht (labanang kaldero/labanan ng pagkubkob).[2][5] Noong Pagsalakay ng Polonya, pinagtibay ng mga mamamahayag sa Kanluran ang katawagang blitzkrieg upang isalarawan ang ganitong anyo ng digmaang nakabaluti.[6] Lumitaw ang katawagang ito noong 1935, sa isang Alemang pahayagang militar na Deutsche Wehr (Depensang Aleman), na may koneksyon sa digmaang mabilis.[7] Matagumpay ang mga operasyong maniobrang Aleman sa mga kampanya ng 1939–1941 at noong 1940, malawakang ginamit ang katawagang blitzkrieg sa midyang Kanluranin.[8][9]

Sa kabila ng pagiging karaniwan sa pamamahayag sa wikang Ingles at Aleman noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hindi kailanman ginamit ng Wehrmacht ang katawagan bilang opisyal na katawagang militar, maliban sa propaganda.[8]

Sa pag-aaral noong 2021[10] naihayag na ang estratehiyang blitzkrieg ay maaring maging isang epektibong estratehiyang militar sa makabagong digmaan kung mayroong tamang halo kalupaan, mga kakayahang lumaban ng kalaban, antas ng kalamangan sa himpapawid at taktikong kakayahang nukleyar.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Frieser 2005, p. 6.
  2. 2.0 2.1 Clark 2012, p. 22.
  3. Fanning 1997, pp. 283–287.
  4. Harris 1995, pp. 337–338.
  5. Keegan 1987, p. 260.
  6. Keegan 1989, p. 54.
  7. Frieser 2005, p. 4.
  8. 8.0 8.1 Frieser 2005, pp. 4–5.
  9. Shirer 1969, ch. 29–31.
  10. Pintoe, Rashane Jude (17 Setyembre 2021). "Is the German 'Blitzkrieg' Military Strategy a Feasible Tactic in Modern Day Warfare?" (PDF).{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: url-status (link)