Blogger
- Maaari din na tumukoy ang katagang "blogger" sa kahit sinuman na nagpapanatili ng isang blog.
Ang Blogger, isang katagang nilikha ng Pyra Labs, ay isang serbisyo na nagbibigay ng kagamitang pang-web na ginagamit ng mga indibiduwal upang maglathala sa web. Ngayon, Google na ang nagmamay-ari sa Pyra Labs.
Ang Blogger ay nagbibigay serbisyo upang madaling makagawa ng weblog. Di na kailangan ng taong gagamit nito na sumulat ng kahit anumang code or mag-alala tungkol sa pag-install ng mga server software o script. Ngunit, maaari pa rin malayang ma-impluwensiyahan ng isang gagamit ang disenyo ng kanyang blog.
Tumatanggap din ang Blogger ng pag-host ng mga blog sa kanyang sariling Blogspot o kaya sa server ng pinili ng blogger (sa pamamagitan nga FTP o SFTP).
Ang lathalaing ito na tungkol sa Internet ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.