Pumunta sa nilalaman

Blood+

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Blood+
DyanraPakikipagsapalaran, Supernatural
Teleseryeng anime
DirektorJunichi Fujisaku
EstudyoProduction I.G, Aniplex
LisensiyaSony Pictures Television International
Inere saAnimax, TBS
Takbo8 Oktubre 2005 – 23 Setyembre 2006
Bilang50
Manga
KuwentoAsuka Katsura
NaglathalaKadokawa Shoten
MagasinMonthly Shōnen Ace
DemograpikoShōnen
Takbo26 Disyembre 200526 Abril 2007
Bolyum5
Manga
Blood+ Adagio
KuwentoKumiko Suekane
NaglathalaKadokawa Shoten
MagasinBeans Ace Magazine
DemograpikoShōnen
Takbo26 Abril 200626 Disyembre 2006
Bolyum2
Manga
Blood+ Yakōjōshi or Blood+ Kowloon Nights
KuwentoHirotaka Kisaragi
NaglathalaKadokawa Shoten
MagasinCiel
DemograpikoShōjo
Takbo26 Abril 2006 – kasalukuyan
Bolyum1
Nobelang magaan
KuwentoRyo Ikehata
GuhitChizu Hashii
NaglathalaKadokawa Shoten
DemograpikoMale
Takbo1 Mayo 2006 – kasalukuyan
Bolyum4
Nobelang magaan
Blood+ Russian Rose
KuwentoChougatsu Karino
GuhitTakagi Ryou
NaglathalaKadokawa Shoten
DemograpikoFemale
Takbo1 Mayo 20061 Setyembre 2006
Bolyum2
Laro
Blood+: Sōyoku no Battle Rondo
TagapamanihalaSony Entertainment
Genreadventure game
PlatformPlayStation 2
Inilabas noong27 Hulyo 2006
Laro
Blood+: One Night Kiss
TagapamanihalaNamco Bandai Games, Grasshopper Manufacture
Genreaction shooter
PlatformPlayStation 2
Inilabas noong30 Agosto 2006
Laro
Blood+: Final Piece
TagapamanihalaSCEI
TagalathalaSony Entertainment
GenreAdventure RPG
PlatformPSP
Inilabas noong7 Setyembre 2006
Related

Blood: The Last Vampire (Pelikulang anime noong 2000)
Blood: The Last Vampire (pelikulang live-action ng 2009)

 Portada ng Anime at Manga

Ang Blood+, (na isinusulat bilang BLOOD+; binibigkas na "Blood Plus"), ay isang seryeng anime na ipinalabas ng Production I.G at Aniplex at idinerekta at isinulat ni Junichi Fujisaku. Ang serye ay ipinalabas sa MBS at TBS mula Oktubre 2005 hanggang Setyembre 2006. Ang Blood+ ay may lisensya para sa international distribution sa ilang mga rehiyon sa pamamagitan ng international arm ng Sony Pictures, ang Sony Pictures Television International (SPTI).

Inspirasyon ng Blood+ ang 2000 anime film na Blood: The Last Vampire; gayunpaman, mayroon lamang ilang mga alusyon at basic na elemento mula sa pelikula. Si Fujisaku ay naging bahagi ng parehong mga proyekto, kabilang ang pagiging direktor at manunulat para sa Blood+ at ang pagsusulat ng nobelisasyon ng Blood: The Last Vampire.

Ang serye ay ginanap noong Setyembre, 2005 sa Lungsod ng Okinawa sa Okinawa, malapit sa Kadena Air Base. Sa ilalim ng pangangalaga ng pamilyang umampon sa kanya, ang bidang si Saya Otonashi ay namumuhay ng mayroong anemic amnesia, bukod pa sa pagigigng ordinaryong mag-aaral. Subalit ang karaniwang buhay niya ay masisira nang atakihin siya ng isang Chiropetran, isang mala-paniking nilalang na umiinom ng dugo ng tao. Nadiskobre ni Saya na tanging siya lang ang may kakayanang talunin ang mga ito, sapagkat ang kanyang dugo ay may kakayanang magpatigas at mabasag ang kanilang katawan. Gamit ang kanyang armas na katana, ay naglakbay si Saya kasama ang kanyang pamilya, mga kaibigan, mga kakampi, at ang kanyang kabalyero na si Haji upang puksain ang mga Chiropetran at mabalik ang kanyang identidad. Sa kahabaan ng serye ay nilakbay ni Saya ang mundo mula Japan, Vietnam, Rusya, Pransiya, at sa Estados Unidos.

Ang Blood+ anime series ay ipinalabas sa Japan noong Oktubre 8, 2005, sa MBS/TBS, upang palitan ang Mobile Suit Gundam SEED Destiny, at may bagong episode na ipinapalabas lingguhan hanggang sa ang huling episode ay ipinalabas noong Setyembre 23, 2006,[1][2], na may kabuuang bilang na 50 episodes. Ang serye ay dinirek ni Junichi Fujisaku at nagtatampok ng mga orihinal na disenyo ng karakter ni Chizu Hashii. Bawat season ay may magkaibang mga awit na ginamit bilang opening at ending mula sa iba't ibang mga artista, at ang kahuli-hulihang episode ay gumamit ng ending theme ng season one. Ang serye ay sabay na ipinalabas sa Animax, ang Japanese anime satellite channel ng Sony, at pinalabas din ito sa kanilang mga network sa Timog Silangang Asya at Timog Asya sa mga sumunod na panahon.

Sa pamamagitan ng internasyonal na dibisyon ng Sony, lisensyado ang Blood+ para sa distribusyon sa maraming mga rehiyon.[3] Ang pag-dub sa Ingles ng serye ay ipinalabas sa Estados Unidos sa Adult Swim ng Cartoon Network, na nag-premier noong Marso 11, 2007,[4][5] at tumakbo hanggang Marso 23, 2008. Ipinalabas din ito sa Pilipinas sa Studio 23.[6]

[baguhin | baguhin ang wikitext]


  1. "Production I.G Unveils Blood+". Anime News Network (sa wikang Ingles). 2005-05-11. Nakuha noong 2023-08-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Japan's TBS Confirms Anime's Move from Saturday, 6 p.m." Anime News Network (sa wikang Ingles). 2008-02-05. Nakuha noong 2023-08-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Blood+ Licensed". Anime News Network (sa wikang Ingles). 2006-01-24. Nakuha noong 2023-08-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "'Blood+' Anime Series on Cartoon Network". icv2.com (sa wikang Ingles). Nobyembre 2, 2006. Nakuha noong 2023-08-02.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  5. Bynum, Aaron (October 14th, 2009). "'Blood+' Anime Series Set #2 Finally on Sale". Animation Insider. Inarkibo mula sa orihinal noong 2012-02-23. Nakuha noong 2023-08-02. {{cite web}}: Check date values in: |date= (tulong)CS1 maint: bot: original URL status unknown (link)
  6. "PEP.ph: The Number One Site for Philippine Showbiz | Television | Memorable Charice performances to be reaired on Studio 23". web.archive.org. 2009-03-20. Inarkibo mula sa orihinal noong 2009-03-20. Nakuha noong 2023-08-02.{{cite web}}: CS1 maint: bot: original URL status unknown (link) CS1 maint: date auto-translated (link)