Pumunta sa nilalaman

Mugto ng taba

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Blubber)
Ang mugto ng taba ng balyena.

Ang mugto ng taba, tabang namumugto, o namumugtong taba (Ingles: blubber), na maaari ring tawaging taba ng balyena o taba ng lumba-lumba (at taba ng ibang kahalintulad pang mga hayop na pandagat o pantubig), ay ang taba na nasa loob ng balat ng mga balyena at mga karnerong dagat. Ito ay isang makapal na tisyung adiposa na baskularisado na natatagpuan sa ilalim ng balat ng lahat ng mga cetaceano, mga pinnipedo at ng mga sireniano. Tungkulin ng mga ito na panatilihing mainit ang katawan ng mga hayop na ito. Ginagamit din ito ng mga Eskimo para sa mga lamparang sinisindihan at pinanatilihing may sindi sa pamamagitan ng taba ng balyena.

Ang mugto ng taba na mayaman sa lipido at nasisitansan ng mga hibla ng kolahena ay binubuo ng hipodermis (tisyung subkutaneoso)[1] at tumatakip sa buong katawan, maliban na lamang sa mga bahagi ng mga sanga ng katawan, na mahigpit na nakadugtong sa kamaselan (muskulatura) at kalansay ng mga kalambatan o kasaputan (network) ng mga tendon (litid) at mga ligamento na mataas ang uri ng pagkakaayos at hugis pamaypay. Maaari itong bumubo sa 50% ng masa (kimpal) ng katawan ng ilang mga mamalyang pandagat habang nasa ilang mga tuldok ng panahon sa kanilang mga buhay, at maaaring humangga magmula sa dalawang mga pulgada (5 cm) ang kapal sa mga lumba-lumba at mas maliliit na mga balyena, magpahanggang mahigit pa sa 12 mga pulgada (30 cm) ang kapal sa ilang mas malalaking mga balyena, katulad ng mga balyenang right at balyenang ang ulo ay kahugis ng "busog" ng pana. Subalit hindi ito nagpapahiwatig sa kakayahan ng mas malalaking mga balyena na makapagpanatili ng init, dahil sa ang kakapalan ng mugto ng taba ng isang balyena ay hindi malakihan ang epekto sa pagkawala o pagtakas ng init mula sa katawan. Ang mas nakapagpapahiwatig ng kakayahan ng balyena na makapagpanatili ng init ay ang konsentrasyon o pagtitipon ng tubig at lipido sa loob ng mugto ng taba, dahil sa ang tubig ay nakakapagpapabawas o nakapagpapababa ng mga kakayahan na makapagpanatili ng init, samantalang ang lipido naman ay nakapagpapataas sa kakayahang ito.[2]

Kung tutuusin, ang salitang Ingles na blubber ay mas tumutukoy sa pangunahing lugar na imbakan ng taba sa ilang mga mamalya. Partikular na mahalaga ito para sa mga espesye na nanginginain at nagpaparami ng lahi sa iba't ibang mga bahagi ng karagatan. Sa loob ng mga panahong ito, minemetabolisa ng mga hayop ang taba. Ang hanay o sapin na ito ng mga taba ay maaaring magsilbi bilang tagapagsagip o tagapagtipid ng enerhiya o lakas para sa mga mamalyang pandagat na katulad ng mga lumba-lumba, dahil sa nakakadagdag ito ng kakayahang lumutang sa isang lumba-lumba habang lumalangoy.[3]

Ang taba ng balyena, sa kabilang banda, na maaaring tawaging mugto ng taba (hanay o sapin ng taba) upang maging nagagamit para sa ibang mga hayop na pandagat na mayroon nito (katulad ng lumba-lumba), ay kakaiba mula sa iba pang mga uri o anyo ng tisyung adiposa dahil sa dagdag na kakapalan nito, na nagpapahintulot na maglingkod bilang isang matalab o mabisang insulador (tagapagbukod ng init o tagapagtabi ng init), na nakakagawa sa mugto ng taba upang maging mahalaga at kailangan para sa termoregulasyon (pagtimpla ng init) ng katawan. Mas baskular (mas maraming mga daluyan o sisidlan ng dugo) ang mugto ng taba kaysa sa ibang mga tisyung adiposa.

Mas kapakipakinabang ang mugto ng taba kaysa sa mga balahibo (mga fur, na katulad ng sa mga otter ng dagat) dahil sa bagaman ang balahibo ay nakapagpapanatili ng init sa pamamagitan ng paghawak sa mga "bulsa ng hangin", ang mga bulsa ng hangin ay ibubuga kapag mayroong presyon (habang sumisisid). Samantala, ang mugto ng taba ay hindi napipikpik o hindi nasisiksik kapag mayroong presyon o diin. Sapat ang pagiging epektibo o matalab nito kung kaya't ang ilan sa mga balyena ay maaaring magtagal sa loob ng mga temperaturang mas mababa pa kaysa sa 40 °F (4 °C).[4] Habang sumisisid sa paligid ng malamig na tubig, ang mga daluyan ng dugo na tumatakip sa mga mugto ng taba ay nahahapit (konstriksiyon) at nagpapabawas sa daloy ng dugo, kung kaya't nagpapalakas ng pagkamabisa ng mugto ng taba bilang isang insulador (may insulasyon).[5]

Nakakatulong ang mugto ng taba sa paglutang, at nakakapagtalagos (nagbibigay ng streamline) sa katawan dahil sa ang nakaayos o organisado at masalimuot na kalambatan (network) na kolehenoso (mayroong collagen) ay sumusuporta sa hindi bilog na mga seksiyong hinati nang pakrus na katangian ng mga cetaceano.

Ang pananaliksik[6] hinggil sa konduktibidad na termal ng pangkaraniwang lumba-lumbang hugis bote ang tangos ng ilong ay nagbubunyag na ang kakapalan at nilalaman nitong mga lipido ay nagbabagu-bago nang malaki sa bawa't isang indibidwal at sa kahabaan ng mga kategorya ng kasaysayan ng buhay. Ngunit, ang mugto ng taba mula sa mga lumba-lumbang payat ay mas mahinang insulador kaysa sa mga adultong hindi buntis, na sa kabila ay mayroon namang mas mataas na konduktibidad o kakayan ng pagtawid ng init kaysa sa mugto ng taba na nagmumula sa mga babaeng buntis at mga adolesente.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Struntz, D.J.; McLellan, W.A.; Dillaman, R.M.; Blum, J.E.; Kucklick, J.R.; Pabst, D.A. (2004). "Blubber development in bottlenose dolphins (Tursiops truncatus)". Journal of Morphology. 259 (1): 7–20. doi:10.1002/jmor.10154. PMID 14666521.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Kvadsheim, P.H.; Folkow, L.P.; Blix, A.S. (1996). "Thermal conductivity of minke whale blubber". Journal of Thermal Biology. 21 (2): 123–8. doi:10.1016/0306-4565(95)00034-8.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Bouncy Blubber". Science Update. AAAS. Inarkibo mula sa orihinal noong 2013-09-21. Nakuha noong 2013-01-30.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Secrets of the Ocean Realm".
  5. Don Galbraith et al. Biology 11. (Canada: McGraw-Hill Ryerson). pg. 12.
  6. Dunkin, R. C. (2005). "The ontogenetic changes in the thermal properties of blubber from Atlantic bottlenose dolphin Tursiops truncatus". Journal of Experimental Biology. 208 (8): 1469. doi:10.1242/jeb.01559. PMID 15802671.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

SoolohiyaAnatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Soolohiya at Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.