Pumunta sa nilalaman

Bobby Labonte

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Si Bobby Labonte (Ipinanganak 8 Mayo 1964 sa Corpus Christi, Texas sa Estados Unidos, ay isang kasalukuyang tagapagmaneho ng NASCAR Nextel Cup Series na may sponsor ng Cheerios at Betty Crocker sa kanyang #43 na kotse, na may ari ng Petty Enterprises. Ang #43 na kotse, ay dating minamaneho ni Richard Petty ay walang panalo, mula pa noong Abril 1999, nang nanalo si John Andretti sa Martinsville Speedway bago lumipat si Labonte sa Petty Enterprises. Siya ay may 21 na panalo, kasama na rin ang kanyang kampeon sa Winston Cup noong 2000 at ang kampeon sa Busch Series noong 1991. Siya ang pinakabatang kapatid ni Terry Labonte, na dating nanalo rin ng kampeon sa Winston Cup noong 1984 at 1996. Ang mga magkapatid na Bobby at Terry Labonte ay nanalo ng mga kampeon sa NASCAR.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.