Pumunta sa nilalaman

Pananaw sa anyo ng katawan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Body image)


Ang pananaw sa anyo ng katawan, dating ng anyo ng katawan, o dating ng anyo ng pangangatawan (Ingles: body image) ay isang salitang tumutukoy sa damdamin o pananaw ng isang tao sa kanyang sariling hitsura ng katawan, o ang interpretasyon ng utak hinggil sa katawan.[1] Sukdulang inilalarawan ng dating ng kaanyuhan ng katawan kung paano o ano ang pananaw ng isang tao sa kanyang sariling wangis kapag napapansin ng ibang mga tao, na sa maraming mga kaso ay maaaring dramatikong kaiba mula sa obhetibong kundisyong pisikal ng isang tao o kung ano talaga ang pananaw ng ibang tao rito.

Mga nakakaapekto sa pananaw

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Kabilang sa mga nakakaapekto sa dating ng anyo ng katawan o pananaw sa anyo ng katawan ang antas ng kaangkupan ng katawan, ang nadaramang pagkakapantay o hindi pagkakapantay sa ibang mga tao (paghahambing ng lalaki sa ibang mga lalaki, at pagkukumpara ng babae sa iba pang mga babae) at kanilang mga pangangatawan, ang nagugustuhan ng lipunan at kagustuhan ayon sa kalinangan.[1]

Mga uri ng pananaw

[baguhin | baguhin ang wikitext]

May dalawang uri ng pananaw sa anyo ng katawan: ang negatibong pananaw sa anyo ng katawan at ang positibong pananaw sa anyo ng katawan. May mga taong negatibo ang pananaw sa sarili nilang pangangatawan, kung saan nadarama nilang hindi sila kaakit-akit, mayroong masamang tingin o pananaw sa kung ano ang kanilang hitsura, may madalas na paghahambing ng sarili sa iba mga tao, at nakaradarama ng pagkapahiya, pagkabalisa, pag-aalangan, at pagkaasiwa sa loob ng sarili nilang balat dahil sa kanilang mga katawan.[1] Mayroon ding nakadarama ng kawalan ng kasiyahan at panlulumo.[2]

Sa kabilang banda, mayroon namang mga taong positibo ang pananaw sa anyo ng kanilang katawan. Natatamo ito ng isang tao kapag naipagdiriwang niya ang kanyang sarili kung ano at kung sino siya. Hindi siya naaasiwa, bagkus ay nakadarawa siya ng kaginhawahan sa loob ng sariling hugis ng kanyang katawan. Nakakatulong sa mabuting pananaw ng tao sa kanyang pangangatawan ang pagsasagawa ng mga gawaing pangsanay ng katawan at pagkain ng wasto.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 1.3 Atkinson, Angela. Men and Body Image Naka-arkibo 2010-04-02 sa Wayback Machine., Ideal Male Physique: Does It Exist?, KJ Fitness, Ink, brighthub.com
  2. Perfect body: Love thyself, buzzle.com


TaoAnatomiyaLipunan Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Anatomiya at Lipunan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.