Booker T. Washington
Si Booker Taliaferro Washington (Abril 5, 1856 - Nobyembre 14, 1915) ay isang Amerikanong Aprikanong edukador at pinuno ng mga karapatang sibil.[1] Siya ay isang mahalagang tagapagtaguyod ng kahalagahan ng edukasyon sa Estados Unidos.[2] Tagapagtangkilik siya ng konserbatibong pagbabago ng lipunan.[1]
Talambuhay
[baguhin | baguhin ang wikitext]Anak si Washington ng isang negrang alipin at kusinera, kaya't siya ay ipinanganak sa pagkaalipin.[1] Pinaniniwalaang isang puting Amerikano ang kaniyang ama. Bagaman ipinanganak siya sa Virginia, lumipat sila sa West Virginia matapos pirmahan ni Abraham Lincoln ang Proklamasyon ng Emansipasyon noong 1863. Nakapag-aral si B.T. Washington sa Institusyong Normal at Pang-agrikultura ng Hampton. Naging guro at nagsilbi bilang kalihim siya ni Heneral Samuel Armstrong, ang prinsipal sa paaralang Hampton. Dahil kay Armstrong, naging tagapagtatag ng isang paaralan ng mga liping itim si Washington. Naitatag ang paaralan bagaman walang sapat na pondo, sa Tuskegee, Alabama, na nakilala ngayon bilang Tuskegee Institute,[2] isang panimulaan ng pagsasanay na panlarangan ng mga Amerikanong Aprikano.[1]
Mga akda
[baguhin | baguhin ang wikitext]Isa mga kilala niyang mga aklat ang mga sumusunod:[2]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 Deverell, William at Deborah Gray White. United States History and New York History: Post-Civil War to the Present (Holt McDougal:2010), pahina R117.
- ↑ 2.0 2.1 2.2 The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), nasa wikang Ingles, Grolier Incorporated, 1977, ISBN 0-7172-0508-8
Ang lathalaing ito na tungkol sa Tao, Kasaysayan at Estados Unidos ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.