Pumunta sa nilalaman

Boykot

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Mga raliyistang nanghihikayat sa pagboboykoteo ng KFC dahil sa mga usaping kapakanan ng hayop

Ang boykot o boykoteo[1] (Ingles: boycott, Kastila: boicot) ay ang pagtanggi ng pangkat na pangnegosyo o panlipunan na makipagkasundo sa isang indibiduwal, samahan o organisasyon, o bansa upang magpakita ng hindi pagsang-ayon o upang pilitin ang pagtanggap ng kagustuhan o pangangailangan. Ginagamit ito ng samahang manggagawa laban sa mga nagpapatrabaho na itinuturing ng samahan bilang hindi makatarungan at kung minsan ng mga bansa para sa mga layuning pampolitika. Nagsimula ang salitang ito sa Irlanda noong maltratuhin o pakitunguhan nang hindi mabuti ni Kapitan Charles Cunningham Boycott (1832-1897) ang mga nangungupahan sa kanyang estado o lupain, na nagresulta sa pagtanggi sa pakikipagkasundo ng mga nangungupahang ito sa kanya.[2] Sa madaling sabi, ang boykot ay ang "pagtangging tumangkilik o tumulong bilang tanda ng pagtutol".[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Gaboy, Luciano L. Boycott, boykoteo - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. "Boycott". The New Book of Knowledge (Ang Bagong Aklat ng Kaalaman), Grolier Incorporated. 1977.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), Dictionary Index para sa titik B, pahina 526.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.