Pumunta sa nilalaman

Brian Brohm

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Brian Brohm (ipinanganak noong 23 Setyembre 1985 sa Louisville, Kentucky) ay ang kasalukuyang pangunahing quarterback para sa University of Louisville, na miyembro ng Big East Conference.

Siya ay may tangkad na 6 na talampakan at 4 na pulgada, bigat na 225 libras na quarterback galing sa Louisville (Ky.) Trinity High School, Si Brohm ay pinangalanan bilang 2005 Big East Offensive Player of the Year nang pangunahan niya ang Cardinals upang magkamit ng record na 9-3 at paglahok sa 2006 Toyota Gator Bowl. Noong 2006, pinangunahan niya ang Cardinals upang magkamit ng record na 12-1 at tinanggap niya ang MVP honors para sa 2007 Orange Bowl.

Karera sa Mataas na Paaralan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Si Brohm ay gumawa ng 20,579 passing yards at 119 touchdowns noong kanyang prep career, siya rin ang nanguna upang bigyan ang Trinity Shamrocks ng 4-A State titles noong 2001, 2002, at 2003. Si Brian ay itinampok sa cover ng Sports Illustrated noong 18 Nobyembre 2002, habang siya ay nasa ikatlong taon pa lamang ng sekondarya. Si Brohm ay napangalanan bilang 2003 Kentucky Mr. Football at Gatorade Player of the year para sa 2003. Napabilang din siya sa limang natatanging quarterback sa America ayon sa Rivals.com at napili din siya upang makilahok sa 2004 U.S. Army All-American game sa San Antonio, Texas.

Si Brian Brohm ay naglaro din ng basketball at baseball para sa Shamrocks, at naging malaking tulong siya upang dalhin ang basketball team nila sa kauna-unahang Regional title, at ang baseball team para maging state runner-up.

Karera sa Dalubhasaan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ipinahayag ni Brian Brohm ang kanyang desisyon na pumasok sa University of Louisville noong 20 Enero 2004, at mas pinili niya ang Cardinals kesa mga alok para sa scholarship sa mga pamantasan tulad ng University of Kentucky, Notre Dame, Tennessee, Alabama, Nebraska, Purdue, Illinois at iba pa. nag-enroll siya sa Louisville noong taglagas ng 2004 at agad siyang nakipagkompetensiya kay Stefan LeFors upang maging pangunahing quarterback ng kuponan.

Sa kanyang unang season, pinangalanan si Brohm bilang Conference USA Freshman para sa taong iyon, bagama't hindi siya naging pangunahing manalalaro sa anumang laro. Kinompleto ni Brohm ang 66 sa 98 pasa niya na may latumbas na 819 yards at anim na touchdowns. Matapos pumasok sa laro ng di matatawaran sa isang series kada laro bilang isang tunay na freshman, sinundan ni Brohm ang yapak ng ama niyang si Oscar, at kapatid niyang si Jeff, nang siya ay maging pangunahing quarterback para sa University of Louisville noong 2005. Ang kanyang kapatid na si Greg ay naglaro rin para sa Louisville bilang isang receiver.

Noong 2005, Si Brohm ay nagtala ng mga pasa para sa 2,883 yards at 19 na touchdowns bago niya ma-injure ang kanyang tuhod noong 25 Nobyembre, sa kanilang laro laban sa Syracuse, na naging dahilan para hindi na siya makasali sa nalalabing mga laro para sa nasabing season. Ito din ang naging dahilan kung bakit hindi siya nakasali sa sa laban nila noong 2 Disyembre laban sa Connecticut, at nagpapagaliung pa siya noong natalo ang Cardinals sa Virginia Tech noong 2006 Gator Bowl.

Nagkaroon ng pinsala din ni Brohm ang kanyang hinlalaki noong 16 Setyembre 2006, kung saan nanalo ang Louisville laban sa University of Miami. Bumalik siya bilang pangunahing quarterback ng kuponan noong 14 Oktubre 2006, kung saan nanalo ang Louisville laban sa University of Cincinnati. Habang nagpapagaling pa siya, ang sophomore quarterback na si Hunter Cantwell and tumayo bilang quarterback sa dalawang laban na hindi siya nakapaglaro. Bago siya ma-injure, si Brian Brohm ay isa sa dalawang kandidato ng University of Louisville para sa 2006 Heisman Trophy, kasama ng senior running back na si Michael Bush. Ang dalawang manlalarong ito, na parehong ipinanganak at lumaki sa Louisville, ay binansagan bilang "The Derby City Duo."

Sa 2007 Orange Bowl, tinanggap ni Brohm ang MVP honors matapos niyang pangunahan ang Louisville sa kanilang kauna-unahang panalo sa BCS, 24-13, laban sa Wake Forest. Kinumpleto ni Brohm ang 24 sa 34 na pasa niya na katumbas ng 311 yards, na pinakamaaas sa kasaysayan ng Orange Bowl.

Si Brohm ay pinangalanan ng Rivals.com bilang isa sa sampung pinakamagagaling na quarterback bago magsimula ang 2007 season.[1]

Spekualsyon sa Karera

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Bagama't sinasabi ng The Sporting News na si Brohm ay maaring maging top pick sa 2007 NFL draft[2], at maraming experto na nagsasabing siguradong makukuha siya sa first round ng draft, ipinahayag ni Brohm noong 15 Enero 2007, matapos ng mahabang panahon ng mga haka-haka, na babalik siya ng Louisville para sa kanyang huling taon sa kolehiyo.

Matapos ang 2007 Orange Bowl, sinabi ni Brohm na ""Right now, coming back and trying to win a national title looks very appealing."[3] Halos lahat ng mga analyst ay naniniwalang ang kakayahan ni Brohm ay nasa liga na ng NFL, pero hindi sila sang-ayon sa kanyang draft status at kung tama ba ang desisyon niya na bumalik sa Louisville sa kanyang senior year. Matapos ipahayag ang kanyang dating head coach na si Bobby Petrino bilang bagong head coach ng Atlanta Falcons, lalong umingay ang ugong na maaring hindi na bumalik sa Cardinals si Brohm sa kanyang huling taon, dahil hindi maiiwasan na ito'y sa ilalim ng bagong head coach, at piliin na lang na pumasok sa draft.

Ang katotohanan na ang 2008 NFL Draft ay hitik sa mga magagaling na quarterback na ang estilo ay malaki ang pagkakatulad kay sa estilo ni Brohm (tulad nila Andre Woodson ng University of Kentucky, Chad Henne ng University of Michigan, John David Booty ng University of Southern California, Anthony Morelli ng Penn State University, Colt Brennan ng University of Hawai'i, at Erik Aingel ng University of Tennessee) sapat upang palakasin ang haka-haka na papasok si Brohm sa 2007 draft, kung saan ang mga magagaling na quarterback na siguradong makukuha sa first round ng draft tulad nina Brady Quinn at JaMarcus Russell. Subalit sa kalaunan, nag-desisyon si Brohm na ipagpaliban ang pagpasok sa NFL upang muling tulungan ang Cardinals na makarating muli sa BCS National Championship. kakailanganin ni Brohme na matutunan ang bagong opensa mula sa bagong head coach na si Steve Kragthorpe, na dating coach ng Iniversity of Tulsa. Subalit, si Brohm ay kinikilala ng ESPn bilang numero unong senior para sa 2008 draft class, ayon sa mga dalubhasa, ang kanyang "big arm, prototypical size, quick release, [and] expert touch" ang dahilan upang siya ay lalong maging kapansin-pansin.

  • Si Brohm ay napili para sa MLB draft matapos ang kanyang huling taon sa mataas na paaralan. Ang kanyang kapatid na si Jeff ay napili din noong siya ay nasa high school pa at naglaro sa minor leagues noong tag-init ng kanyang karera sa dalubhasaan.
Sinundan:
Stefan LeFors
Louisville Cardinals Quarterbacks
(2005-present)
Susunod:
Current

Padron:LouisvilleCardinalsQuarterback

Panlabas na Kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]