Brilliant Legacy
Brilliant Legacy (찬란한 유산), na kilala rin bilang Shining Inheritance, ay isang Korean drama na ipinalabas sa SBS network mula 25 Abril 2009 hanggang 26 Hulyo 2009 sa tuwing sabado at lingo ng gabi. Pinagbibidahan ito nina Han Hyo Joo bilang Go Eun Sung at Lee Seung Gi, bilang Sun-Woo Hwan. Ang palabas ay binubuo ng 28 kabanata at nanguna sa viewer’s rating para sa sampung magkakasunod na lingo. Sa huling kabanata, nagkamit ito ng 47.1% viewership rating. [1].[1]
Buod
[baguhin | baguhin ang wikitext]Si Go Eun Sung (Han Hyo Joo) ay nag-aaral sa New York. Siya ay bumalik sa Korea upang dalhin ang kanyang autistic na kapatid, si Eun Woo, pabalik ng Estados Unidos para mag-aral ng musika. Si Sun-Woo Hwan (Lee Seung Gi), na noon din ay nag-aaral sa New York, ay pinauwi ng kanyang lola na si Jang Sook Ja, upang simulan nang pamahalaan ang kompanya ng pamilya. Lulan ng parehong eroplano pabalik ng Korea sina Eun Sung at Hwan. ‘Di sinasadyang nagkapalit sila ng bagahe, na siyang naging mitsa ng maraming di pagkakaintindihan sa pagitan nilang dalawa.
Sa kabilang banda, ang tatay ni Eun Sung, si Go Pyung Joong, ay ginagawa ang lahat upang maisalba ang kompanyang naipundar mula sa pagkalugi. Isang araw, ang kanyang pitaka at ilang mahahalagang gamit ay nalimas ng isang lalaki. Matapos ang nangyaring nakawan, itong lalaki ay nagtungo sa isang bar na sumabog pagkalipas ng ilang sandali. Habang iniinspeksiyon ng mga pulis ang pinangyarihan ng pagsabog ay nahanap nila ang mga nanakaw na gamit ni Pyung Joong sa isang lalaking halos din a makilala dahil sa labis na pinsalang natamo nito. Inakala ng mga pulis na sa Pyung Joong ang namatay sa pagsabog at opisyal na idineklara ang pagkamatay nito. Inilabas na ang balita ukol sa pagkakamatay ni Pyung Joong, na di kalauna'y nalaman ng kanyang pamilya. Dahil na rin sa perang makukuha mula sa insurance company ay nagpasyang magtago pansamantala itong si Pyung Joong, mula sa awtorirad, pati sa kanyang pamilya. Matapos makuha ang pera mula sa Insurance Company at makabili ng isang bahay na ipinangalan sa kanyang anak na si Yoo Seung Mi (Moon Chae Won) , pinalayas ni Baek Sung Hee – pangalawang asawa ni Pyung Joong – ang magkapatid na Eun Sung at Eun Woo mula sa kanilang sariling pamamahay.
Dahil walang matuluyan, si Eun Sung ay humingi ng tulong mula sa kanyang mg kaibigan- isa na doon si Hyung Jin, na sinimulang iwasan si Eun Sung sa dahilang hindi na mayaman ang huli. Buti na lang at nandiyan si Hye Ri – isang butihing kaibigan ni Eun Sung. Sa tulong ni Hye Ri, nagkaroon si Eun Sung ng trabaho sa isang nightclub – bilang tagasilbi. Nagulat naman si Park Joon Se (Bae Soo Bin) na makita si Eun Sung na nagtatrabaho sa nasabing lugar. Doon niya rin muling nakita si Hwan, na syang naging dahilan ng di pagkakakontak ni Eun Sung sa kapatid nito. Nang mapag-alaman niyang nawawala ang kanyang kapatid, nalugmok si Eun Sung at sinimulang hanapin ang kapatid ngunit di nya ito natagpuan. Sa tulong ni Hye Ri at Joon Se, nagkaroon ng masisilungan pansamantala si Eun Sung. Siya ay nagsimulang maghanap ng pagkakakitaan upang makatulong sa kanyang paghahanap kay Eun Woo.
Samantala, si Hwan ay nananatiling walang direksiyon sa buhay na siya namang ikinagagalit ng kanyang lola – si Jang. Hindi pinahahalagahan ni Hwan ang kompanyang naipundar ng kanyang lola at ang mga empleyado nito. Habang nag-iisip kung ano ang gagawin sa kanyang apo, nagtungo si Jang sa lugar kung saan siya nakatira noong naghihirap pa siya. Doon niya nakita si Eun Sung na nagtitinda ng pagkain ng mga panahong iyon. Naaksidente si Jang at saktong naroroon si Eun Sung sa pinangyarihan ng aksidente kaya agad naman niyang tinulungan ang matanda. Pansamantalang kinupkop at inalagaan ni Eun Sung si Jang, na siya namang humaplos sa puso ng matanda. Dinala ni Jang si Eun Sung sa kanyang bahay at inanunsiyo sa buong pamilya na titira na kasama nila si Eun Sung. Bukod doon, isang mabigat na balita ang sinabi ni Jang sa kanyang pamilya – ang pagiging tagapagmana ni Eun Sung ng kanyang kompanya.
Tauhan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Pamilya Sun-Woo
- Lee Seung Gi bilang Sun-Woo Hwan
- Ban Hyo Jung bilang Jang Sook Ja (lola)
- Yoo Ji In bilang Oh Young Ran (ina)
- Han Ye Won bilang Sun-Woo Jung (nakababatang kapatid)
- Lee Seung Hyung bilang Pyo Sung Chul (mayordomo)
Pamilya Go
- Han Hyo Joo bilang Go Eun Sung
- Jun In Taek bilang Go Pyung Joong (ama)
- Kim Mi Sook bilang Baek Sung Hee (madrasta)
- Moon Chae Won bilang Yoo Seung Mi (kinakapatid)
- Yun Joon Suk bilang Go Eun Woo (nakababatang kapatid)
Pamilya Park
- Bae Soo Bin bilang Park Joon Se
- Choi Jung Woo bilang Park Tae Soo (ama)
Iba pa
- Min Young Won bilang Lee Hye Ri (kaibigan ni Eun Sung)
- Jung Suk Won bilang Jin Young Suk (kaibigan ni Hwan)
- Son Yuh Eun bilang Jung In Young (kaibigan nina Eun Sung at Seung Mi)
- Kim Jae Seung bilang Lee Hyung Jin (kinakapatid ni Jun Se)
- Baek Seung Hyun bilang Lee Joon Young (tagapamahala)
- Park Sang Hyun bilang Park Soo Jae (tagasilbi)
Orihinal na Ponograma
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Only You 너 하나만 - Kang Ha Ni
- The Person Living in My Heart 내 가슴에 사는 사람 - Isu
- Crazy in Love 사랑에 미쳐서 - Ji Sun
- Love is Punishment 사랑은 벌이다 - K.Will
- Spring Rain - Ji Hye
- Dear Sister 그리운 누나
- Catch Hwan 환이를 잡아라
- Are We Family? 우리가 가족이니?
- Funny Life
- The Road Leading to You 너에게 가는 길
- Smile working
- Last Lie 마지막 거짓말
- Bickering 티격태격
- Memories of Separation 이별의 기억
- Spring Rain (Guitar Ver.)
- Destiny, the Second Story 운명, 그 두번째 이야기
Parangal
[baguhin | baguhin ang wikitext]- 2009 Mnet 20's Choice Awards: Hot Male Drama Star - Lee Seung Gi[2]
- 2009 Mnet 20's Choice Awards: Hot Female Drama Star - Han Hyo Joo
- 2009 SBS Drama Awards: Best Couple - Lee Seung Gi & Han Hyo Joo[3]
- 2009 SBS Drama Awards: Best Actor (Special Production) - Lee Seung Gi
- 2009 SBS Drama Awards: Best Actress (Special Production) - Han Hyo Joo
- 2009 SBS Drama Awards: Top 10 Stars Award - Lee Seung Gi, Han Hyo Joo, Bae Soo Bin
- 2009 SBS Drama Awards: Lifetime Achievement Award - Ban Hyo Jung
- 2009 SBS Drama Awards: Top Excellence Award (Female) - Kim Mi Sook
- 2010 PaekSang Arts Awards: Male Popularity Award (TV Division) - Lee Seung Gi[4]
- 2010 Korea Broadcast Awards: Best Series Drama[5]
- 2010 Seoul International Drama Awards: Hallyu Stars Actress Award - Han Hyo Joo[6]
- 2010 Seoul International Drama Awards: Netizens' Popularity Award (Korea) - Lee Seung Gi[7]
- 2011 44th Houston International Film Festival: Platinum Remi Award[8]
- 2011 Shanghai Television Festival Magnolia Awards: Overseas TV Series Special Award[9]
Sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ '찬란한 유산'행복한 종영에 시청자환호..시청률 47.1% (sa Koreano) TodayKorea.co.kr, 27 Hulyo 2009.
- ↑ 이승기, 'Mnet 20's 초이스' 핫드라마스타 男부문 수상 Naka-arkibo 2018-04-29 sa Wayback Machine. (sa Koreano) Yahoo Korea News, 28 Agosto 2009.
- ↑ 베스트커플상 한효주-이승기, 깜찍한 하트 환상의 궁합 (sa Koreano) Newsen.com, 1 Enero 2010.
- ↑ 이승기-윤아, TV부문 인기상 수상 (백상) (sa Koreano) MyDaily.co.kr, 26 Marso 2010.
- ↑ '찬란한 유산', 한국방송대상 장편드라마상 (sa Koreano) StarNews, 3 Setyembre 2010.
- ↑ 고현정-한효주, 한류스타女연기자상 공동수상(서울드라마어워즈) (sa Koreano) Joins News, 10 Setyembre 2010.
- ↑ 이승기, SDA 네티즌 韓 인기상 수상[patay na link] (sa Koreano) SPN.edaily.co.kr, 10 Setyembre 2010.
- ↑ 이승기·한효주 '찬란한유산', 휴스턴 국제필름페스티벌 대상 (sa Koreano) Nocut News, 19 Abril 2011.
- ↑ '찬란한유산', 상하이TV페스티벌 특별상 수상 (sa Koreano) Star News, 13 Hunyo 2011.
Panlabas na Link
[baguhin | baguhin ang wikitext]- SBS Official Site (sa Koreano)
- Official Site of Korea Tourism Organization: Brilliant Legacy Naka-arkibo 2011-11-18 sa Wayback Machine.