Pumunta sa nilalaman

Britanikong Raj

Mga koordinado: 22°32′28″N 88°20′16″E / 22.5411°N 88.3378°E / 22.5411; 88.3378
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa British Raj)
Britanikong Raj

British Raj
Watawat ng Britanikong Raj
Watawat
Eskudo de armas ng Britanikong Raj
Eskudo de armas
Awit: God Save the King
Map
Mga koordinado: 22°32′28″N 88°20′16″E / 22.5411°N 88.3378°E / 22.5411; 88.3378
BansaPadron:Country data Britanikong Imperyo
Itinatag1858
Binuwag15 Agosto 1947
KabiseraKolkata, New Delhi
Pamahalaan
 • UriMonarkiyang konstitusyonal
Lawak
 • Kabuuan4,917,273 km2 (1,898,570 milya kuwadrado)
WikaIngles

Ang Britanikong Raj (rāj, literal na "pamamahala"[1], "pamahalaan" sa Hindi)[2] ay ang pamamahala ng Britanya sa subkontinente ng India sa pagitan ng 1858 hanggang 1947.[3] Ang kataga ay maaari ring tumukoy sa "panahon" ng dominyo o pangingibabaw.[3][4] Ang rehiyon na nasa ilalim ng pagtaban ng Britanya, na karaniwang tinatawag bilang "India" sa paggamit na kontemporaryo, ay kinabilangan ng mga pook na tuwirang pinangangasiwaan ng Nagkakaisang Kaharian.[5] (pangkontemporaryo bilang "Britanikong India" o "Indiang Britaniko"), pati na ang mga estadong pamprinsipe na pinamamahalaan ng indibiduwal na mga tagapamahala sa ilalim ng pangingibabaw ng Koronang Britaniko. Ang rehiyon ay hindi gaanong pangkaraniwang tinawag bilang "Imperyo ng India" ng mga Britaniko.[6] Bilang "India", isa itong tagapagtatag na kasapi ng Liga ng mga Nasyon, at isang nakikilahok na nasyon sa Olimpikong Pangtag-init noong 1900, 1920, 1928, 1932, at 1936.

Ang sistema ng pamamahala ay pinasimulan noong 1858, noong ang pamamalakad ng British East India Company ay inilipat sa Korona sa katauhan ni Reyna Victoria[7] (na noong 1876 ay itinalaga bilang Emperadora ng India), at nagtagal hanggang 1947, noong ang Britanikong Imperyo ng India ay hinati upang maging dalawang nagsasariling mga estadong dominyo, ang "Unyon ng India" (na naging Republika ng India) at ang "Dominyo ng Pakistan" (na naging Islamikong Republika ng Pakistan), na ang pansilangang kalahati nito, sa paglaon pa, ay naging People's Republic of Bangladesh(Republikang Popular ng Bangladesh). Sa pagsisimula ng Raj noong 1858, ang Ibaba ng Burma ay bahagi na ng Indiang Britaniko; idinagdag ang Itaas ng Burma noong 1886, at ang nagresultang pagsasanib ng dalawang hati na nakilala bilang Burma ay pinangasiwaan bilang isang lalawigan hanggang 1937, noong ito ay maging isang nakabukod na kolonya ng Britanya at nagkamit ng kalayaan noong 1948.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. raj
  2. Oxford English Dictionary, ika-2 edisyon, 1989: mula sa Skr. rāj: to reign, rule; cognate with L. rēx, rēg-is, OIr. , rīg king (see RICH).
  3. 3.0 3.1 Oxford English Dictionary, ika-3 edisyon (Hunyo 2008), edisyong on-line (Setyembre 2011): "spec. In full British Raj. Direct rule in India by the British (1858–1947); this period of dominion."
  4. Oxford English Dictionary, ika-2 edisyon, 1989. Mga halimbawa: 1955 Times 25 Agosto 9/7 It was effective against the British raj in India, and the conclusion drawn here is that the British knew that they were wrong. 1969 R. MILLAR Kut xv. 288 Sir Stanley Maude had taken command in Mesopotamia, displacing the raj of antique Indian Army commanders. 1975 H. R. ISAACS in H. M. Patel et al. Say not the Struggle Nought Availeth 251 The post-independence régime in all its incarnations since the passing of the British Raj.
  5. Una ang Nagkakaisang Kaharian ng Dakilang Britanya at Irlanda at paglaon, pagkalipas ng 1927, ang Nagkakaisang Kaharian ng Dakilang Britanya at ng Hilagang Irlanda
  6. Ang mga pangalang "Imperyo ng India" at "Pederasyon ng India" ay ginamit din."
  7. Kaul, Chandrika. "From Empire to Independence: The British Raj in India 1858–1947". Nakuha noong 3 Marso 2011.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)