Pumunta sa nilalaman

Dominyo

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Dito tumuturo ang superdominyo, para sa ibang gamit tingnan ang dominyo (paglilinaw), at imperyo (paglilinaw).
LifeDomainKingdomPhylumClassOrderFamilyGenusSpecies
The hierarchy of biological classification's eight major taxonomic ranks. Padron:Biological classification/core Intermediate minor rankings are not shown.

Sa taksonomiyang pang biyolohiya, ang dominyo (Ingles: domain) - na tinatawag ding superkaharian (superkingdom), superreynum (superregnum), at imperyo (empire) - ay ang pinakamataas na kahanayang pang-taksonomiya ng mga organismo, at higit na mataas pa kaysa kaharian. Ito ang pinakamapansakop sa lahat ng mga kalipunang pang-biyolohiya. Ang mga saklaw o sakop nito ay ang mga sumusunod na hati: Archaea, Eubacteria at Eukaryota. Ipinapakita ng pagkakaayos ng taxa ang pinakamahalagang kaunlaran (ebolusyon) sa pagkakaiba-iba ng mga genome.

May marami pang makabagong pamalit na klasipikasyong pang-dominyo para sa buhay. Kabilang dito ang mga sumusunod:

Mga katangian ng tatlong dominyo

[baguhin | baguhin ang wikitext]
BacteriaArchaeaEucaryotaAquifexThermotogaCytophagaBacteroidesBacteroides-CytophagaPlanctomycesCyanobacteriaProteobacteriaSpirochetesGram-positive bacteriaGreen filantous bacteriaPyrodicticumThermoproteusThermococcus celerMethanococcusMethanobacteriumMethanosarcinaHalophilesEntamoebaeSlime moldAnimalFungusPlantCiliateFlagellateTrichomonadMicrosporidiaDiplomonad
A speculatively rooted tree for RNA genes, showing major branches Bacteria, Archaea, and Eukaryota
The three-domains tree and the Eocyte hypothesis (Two domains tree), 2008.[1]
Phylogenetic tree showing the relationship between the eukaryotes and other forms of life, 2006[2] Ang mga Eukaryote ay kulay pula, ang archaea ay berde at ang bakterya ay asul.

Ang tatlong dominyong ito ay naglalaman ng natatanging ribosomal RNA. Ito ang batayan ng sistema ng tatlong dominyo. Bagaman ang presensiya ng isang nuklyear ng membrao ang nagtatangi ng Eukarya sa Archaea at Bacteria na parehong walang nukleyar na membrano, ang natatanging biyokemikla at mga tandang RNA ay nagtatangi ng Archaea sa Bakterya.

Ang mga Archaea ay mga selulang prokaryotiko na may mga membranong lipido na sumangay ng mga kadensang hydrokarbon na nakakapit sa glycerol sa pamamagitan ng mga paguugnay na ethere. Ang presensiya ng mga pag-uugnay na ethere ay nagdadagdag ng kanilang kakayahan na mabuhay sa mga kondisyon na may mga matatas na temperatura at mga asidiko. Ang mga Halophile ay nabubuhay sa mga kapaligirang sobrang maalat ang mga hyperthermophiles ay nabubuhay sa sobrang init na kondisyon.


Bagaman ang mga bakterya ay mga selulang prokaryotiko tulad ng Archaea, ang kanilang mga membrano ay gawa sa mga [phospholipid bilayer]]. Dalawa sa halimbawa ng bakterya ang Cyanobacteria at mycoplasmas. Wala silang mga ugnayang ether gaya ng Archaea.

Ang mga kasapi nito ang mga eukaryote na may mga organelong nakakapit sa membrano kabilang ang nukleyus na naglalaman ng materyal na henetiko. Ito ay kinakatawan ng limang kaharian: Plantae, Protozoa, Animalia, Chromista, at Fungi.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Cox, C. J.; Foster, P. G.; Hirt, R. P.; Harris, S. R.; Embley, T. M. (2008). "The archaebacterial origin of eukaryotes". Proc Natl Acad Sci USA. 105 (51): 20356–61. Bibcode:2008PNAS..10520356C. doi:10.1073/pnas.0810647105. PMC 2629343. PMID 19073919.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Ciccarelli FD, Doerks T, von Mering C, Creevey CJ, Snel B, Bork P (2006). "Toward automatic reconstruction of a highly resolved tree of life" (PDF). Science. 311 (5765): 1283–7. Bibcode:2006Sci...311.1283C. CiteSeerX 10.1.1.381.9514. doi:10.1126/science.1123061. PMID 16513982. S2CID 1615592.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)