Pumunta sa nilalaman

Brutal

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Brutal
Ang paskil ng Brutal
DirektorMarilou Diaz-Abaya
PrinodyusJesse Ejercito
SumulatRicardo Lee
Itinatampok sinaAmy Austria
Gina Alajar
Charo Santos
Jay Ilagan
MusikaGeorge Canseco
SinematograpiyaManolo Abaya
In-edit niManolo Abaya
Marc Tarnate
TagapamahagiKorporasyong Bancom Audiovision
Inilabas noong
25 Disyembre 1980 (1980-12-25)
BansaPilipinas
WikaFilipino
Badyet₱900,000

Ang Brutal ay isang pelikula na nasa ilalim ng direksiyon ni Marilou Diaz-Abaya noong 1980. Ito ay unang pelikulang Pilipino na nagtatalakay tungkol sa gahasa bilang isyung pangkababaihan sa kawawaan ng lipunang patriyarkal ng Pilipinas.[1]

Ang mga nagsiganap sa pelikulang ito ay ang mga sumusunod:

Mga nagsiganap Ginampanan bilang
Amy Austria Monica Real
Gina Alajar Cynthia
Charo Santos Clara Valdez
Jay Ilagan Tato
Johnny Delgado Jake
Perla Bautista Aling Charing
Joonee Gamboa
Nello Nayo
Robert Tongko
Boy Sabiniano

Buod ng pelikula

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Binigyan ng kulay ng mga taga-medya ang pagbabalita ng nakakikilabot ng kasong pagpatay: ipinaratang si Monica Real (Austria) sa pagpatay ng kanyang asawa at ang dalawang iba pang kalalakihan sa kanyang bahay-paupahan sa Maynila. Sa kulungan, lubos na inurong n Monica mula sa daigdig at tumangging magsalita kahit sa kanyang abogado.

Si Clara Valdez (Santos), isang masigasig na mamamahayag, ay walang takot na tiniyak na alamin kung ano talaga ang nangyari. Bilang makababae, tinanggihan ni Clara sa pagtanggap ng kabiguan ni Monica na walang bista mula sa kanyang panig. Habang hindi nakikipagtulungan si Monica, naghanap ng matatanungan si Clara ng mga iba pang sinumang maaaring magluno ng liwanag sa kanyang nakaraan.

Sinabi ni Aling Charing (Bautista), ina ni Monica, kay Clara na hinubog niya ang kanyang anak na babae sa paraang ayon sa pinagkakasunduan, pinaghandaan siya para sa pag-aasawa at ang tungkulin bilang asawa at ina ng tahanan. Malamyos at mapagmagahal na anak si Monica at hindi nagbibigay ng anumang sakit sa ulo sa kanyang ina.

Ang pamilya ni Tato (Ilagan), asawa ni Monica, ay depensibo. Subali't nalaman ni Valdez na si Tato ay laki sa layaw, mapusok, at mahilig sa mga silakbo ng dahas. Kapwa siya at si Monica ay sapilitang nagpakasal nang nabuntis si Monica pagkatapos gahasahin siya ni Tato.

Si Cynthia (Alejar) ay isang pasumalang na malapi na kaibigan ni Monica. Walang malay si Monica nang palihim na may hinanankit si Cynthia sa kanya dahil sa pagiging hindi siya ganoon na si Cynthia. Si Cynthia na binudlong si Tato na gahasahin si Monica, ay nagsabi sa kanya na si Monica ay palihim na umiibig sa kanya.

Ang tunay na dahilan sa likod ng tatluhag pagpatay ay nagbukang liwayway kay Clara nang paunti-unti. Sumuong siya kay Monica. Sinakmal nang lubos ni Monica ang kanyang nakatutulig na katahimikan, humagulgol, at tiniyak ang mga pinaghihinalaan ni Clara nang mula't sapul. Biktima si Monica ng karahasan ng mga kalalakihan. Sina Tato at ang kanyang dalawang kaibigan, lulon sa alak at droga, ay dinadala sa mga inog na magagahasa siya. Nang sila'y lumipas ang kanilang walang malay sa kabaghanan ng pagkainom, nilaslas ni Monica ang kanilang pulso at iniwan silang dumugo hanggang sa kamatayan.[1]

Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1981
Nanalo
Pinakamahusay na Aktres
Amy Austria
Nanomina
Pinakamahusay na Aktor
Jay Ilagan

Pinakamahusay na Pangalawang Aktres
Gina Alajar

Pinakamahusay na Direktor
Marilou Diaz-Abaya

Pinakamahusay na Pelikula
Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1980
Nanalo
Pinakamahusay na Pangunahing Aktres
Gina Alajar[1]
Nanomina
Pinakamahusay na Pangunahing Aktor
Jay Ilagan

Pinakamahusay na Pangunahing Aktres
Amy Austria

Pinakamahusay na Direksiyon
Marilou Diaz-Abaya

Pinakamahusay na Editing
Manolo Abaya
Marc Tarnate

Pinakamahusay na Dulang Pampelikula
Ricardo Lee

Pinakamahusay na Tunog
Amang Sanchez
Rolly Ruta

Pinakamahusay na Pangalawang Aktor
Johnny Delgado

Pinakamahusay na Pelikula

1. ^  Nagtabla siya kay Nora Aunor para sa Bona (1980).

Paligsahan ng mga Pelikula ng Kalakhang Maynila

[baguhin | baguhin ang wikitext]
Taon Resulta Kategorya/(Mga) nakatanggap
1980
Nanalo
Pinakamahusay na Aktres
Amy Austria

Pinakamahusay na Direktor
Marilou Diaz-Abaya
Ika-2 puwesto
Pinakamahusay na Pelikula
  1. 1.0 1.1 L. Pareja, CCP Encyclopedia of Phil. Art, Vol. VIII (Phil. Film), p. 149

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]