Perla Bautista

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search

Si Perla Bautista ay isang artistang Pilipino na nakamit ang titulo bilang Pinakamagaling na Aktres noong 1962 sa pelikulang pinagsamahan nila ni Joseph Estrada ang Markang Rehas. Isinilang sa ilalim ng taon ng Dragon kaya likas sa kanya ang palabiro, masayahin at minsan parang bata.

Si Perla ay produkto ng LVN Pictures kaya ginawa niya ang unang pelikula niya ang Si Meyor Naman nina Carmencita Abad at Armando Goyena. Isinama rin siya sa pelikula ni Eddie Rodriguez ang Eddie Junior Detective at Hiwaga ng Pag-ibig ni Val Castelo. Mapapansin ang kanyang papel bilang isang lumpo sa pelikulang Mr. Announcer kung saan kasama ang batikang radio announcer na si Rafael Yabut.

Pelikula[baguhin | baguhin ang batayan]



Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.