Pumunta sa nilalaman

Buhok sa kili-kili

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Kili-kili ng lalake na may buhok.
Kili-kili ng babae na may buhok.

Ang bukok sa kili-kili (Ingles: underarm hair, axillary hair o armpit hair) ay ang buhok na tumutubo sa kili-kili.

Paglaki at gamit

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang buhok sa kili-kili, bilang buhok sa katawan, ay karaniwang tumutubo sa simula ng kabagungtauhan na kung saan ang pagtubo ay natatapos sa mga dulo ng kabagungtauhan na ito. Ang importansyang ebolusyon ng buhok sa kili-kili ng mga tao ay pinaguusapan parin. Maaari nitong nilalayo ang pawis o iba pang tubig mula sa balat, na syang nagpapalamig dito. Ang pagdami ng bakterya na gumagawa ng amoy ay siyang nailalayo sa balat. [1]

Kultural na pagkilala

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Marami sa mga tao sa kanluran ngayon ay sanay na inaahit ng babae ang buhok sa kili-kili. Pero ang pagkalat ng gawaing ito ay paibaiba. Relihiyon minsan ang dahilan; halimbawa, sa kulturang Islam, ang lalake at babae ay tinatanggalan ng buhok sa kili-kili para masunod sa batas nila tungkol sa kalinisan. Ang pagtanggal sa buhok sa kili-kili ay kasama sa mga gawaing pangkalinisan at pangkagandahan na inirekomenda ni Propetang Muhammad (570-632) bilang nasusunod sa fitra ng babae at lalake at simula noon ay kinilala bilang pangangailangan ng maraming Muslim. [2]

Maraming mapagkumpitensyang manlalangoy ang nagtatanggal ng buhok sa katawan, kasama pati buhok sa kili-kili, para gawing mas makinis ang katawan nila sa mga karera. Maraming mga lalake na nagpapalaki ng katawan ang nagtatanggal din ng buhok sa katawan para gumanda ang itsura nila, kagaya ng sa karamihan ng mga modelo sa iba't ibang uri ng erotika.

Sinabi ng Nakababatang Seneca na maaaring karaniwang gawain ito sa sinaunang Rome: «Ang isa, sa tingin ko, ay kasing problemado ng kabila: ang isang klase ay masyadong maarte, at ang isa ay masyadong mapabaya; ang nauna ay inaahit ang binti, ang nahuli ay di man lang kili-kili» (sulat 114).

Sa Kanluran, ang gawain ay nagsimula dahil sa mga dahilang kosmetik, noong 1915 sa US at UK, nang magpakita ng babaeng nakabestida na nakaahit ang buhok sa kili-kili ang mga magasin. Ang madalas na pag-aahit ay mas nagagawa nang ipinakilala ang ligtas na pang-ahit sa simula ng ika-20 siglo. Kahit na mabilis na nasanay ang ilan sa mga bansang nag-iingles, gaya ng US at Canada, di ito naging sikat sa Europa hanggang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.[3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Paye, Marc; Maibach, Howard I.; Barel, André O (2009). Handbook of cosmetic science and technology (ika-3 (na) edisyon). Informa Health Care. p. 703. ISBN 1-4200-6963-2.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Compendium of Islamic Texts". USC. Inarkibo mula sa orihinal noong 5 Marso 2012. Nakuha noong 24 Marso 2012.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. Hope, Christine (1982). "Caucasian Female Body Hair and American Culture". Journal of American Culture. 5 (1): 93–99. doi:10.1111/j.1542-734X.1982.0501_93.x.{{cite journal}}: CS1 maint: date auto-translated (link)

Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.