Pumunta sa nilalaman

Bukung-bukong

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Bukungbukong)
Ang bukung-bukong.
Ang mga buto sa paa.

Batay sa anatomiya ng tao, ang ugpungan ng bukung-bukong o bukungbukong ay nabuo kung saan nagsasalubong ang paa at ang hita. Isang tila-seradurang dugtungang sinobyal ang bukung-bukong o ugpungang talocrural na nagdirikit sa mga malayong (distal) dulo ng lulod at fibula sa mababang bahagi ng paa at sa malapit (proksimal) na dulo ng butong talus sa paa. Mas pumapasan ng mas maraming bigat ang kilos (artikulasyon) sa pagitan ng tibia at ng talus kaysa sa pagitan ng mas maliit na fibula at ng talus. Sa anatomiya ng hayop, tinatawag na pata ang bukung-bukong.[1]

Tungkulin ng dugtungang bukung-bukong ang pataas na kilos ng mga daliri ng paa (dorsipleksyon o pagtingkayad: katulad ng pagtayo sa pamamagitan ng sakong lamang) at maging ang pababang kilos ng mga daliri ng paa (pleksyong plantar ng paa), at pinapayagan ang malawakang galaw ng lahat ng mga ugpungan sa paa. Hindi nagagawa ng bukung-bukong ang paikot na galaw (rotasyon).

Sa pleksyong plantar, humahaba ang mga pang-harap ng mga ligamento (litid) ng ugpungan habang umiikli naman ang mga panlikod na mga ligamento. Totoo naman ang kabaligtaran sa kilos na dorsipleksyon.

Kaagapay na kumikilos ng tatlong rehiyon ng talus ang panggilid na malyolus (lateral malleolus) ng fibula at ng pang-gitnang malyolus (medial malleolus) ng tibia kasama ng mababang kalatagan ng malayong tibia (distal tibia).

Mas maluwang ang pang-harap na talus (anterior talus) kaysa panlikod na talus (posterior talus). Kung nakatingkayad ang paa, umuusad ang mas maluwang na parte ng pang-itaas na talus (superior talus) patungo sa mga kumikilos na mga kalatagan ng tibia at fibula, na lumilikha ng mas matatag na ugpungan kaysa kung kailan nakapatag o nakabaluktot paloob ang paa.

Binibigkis ng ligamentong deltoid at tatlong ligamentong lateral ang ugpungang bukung-bukong. Ang mga ligamentong lateral ay ang mga sumusunod: ligamentong anterior talofibular (pangharap na ligamentong talofibular), ang ligamenong posterior talofibular (panlikod na ligamentong talofibular), at ang ligamentong calcaneofibular.

  • Sinusuportahan ng mga pang-harap at pang-likod na ligamentong talofibular ang gilid ng bukung-buong mula sa lateral malleulus ng fibula patungo sa mga katapusang dorsal at ventral ng talus.
  • Nakakabit ang ligamentong calcaneofibular sa lateral malleolus at sa kalatagang lateral ng calcaneus.

Mas matatag ang bukung-bukong kung nakatingkayad (dorsipleksyon) at mas malaking ang pagkakataong mangyari ang pagkakaroon ng puwersadong bukung-bukong (Ingles: sprain) sa paloob na pagbaluktot ng paa (pleksyong plantar). Mas kadalasang nagaganap ang ganitong anyo ng kapinsalaan sa pangharap na ligamentong talofibular.

Ang pagsusuri ng mga mapinsalang bali sa bukung-bukong ay isinasagawa batay sa tuntuning pambukung-bukong ng Ottawa (Ingles: Ottawa ankle rules, isang kumpol ng mga alituntuning na isinulong upang bawasan ang mga hindi kailangang pagsasagawa ng X-ray ng bukung-bukong.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Hock". The Scribner-Bantam English Dictionary (Ang Talahulugang Ingles ng Scribner-Bantam). 1991.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  • Calais-Germain, Blandine. Anatomy of Movement (Anatomiya ng Paggalaw), Palimbagang Eastland, 1993. ISBN 0-939616-17-3
  • Martini, Frederic; Timmons, Michael; McKinnley, Michael. "Human Anatomy" (Anatomiya ng Tao), Pangatlong edisyon, Prentice-Hall, 2000. ISBN 0-13-010011-0
  • Marieb, Elaine. "Essentials of Human Anatomy and Physiology" (Mga Pangunahing Pangangailangan sa Pagaaral ng Anatomiya ng Tao at Pisyolohiya), Pang-anim na edisyon. Addison Wesley Longman, 2000. ISBN 0-8053-4940-5

Mga panlabas na kawing

[baguhin | baguhin ang wikitext]