Anatomiya ng tao

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Talaan ng mga buto ng kalansay ng tao.

Ang dalubkatawan[1] ng tao o anatomiya ng tao ay ang maka-agham na pag-aaral ng morpolohiya ng may-gulang na katawan ng tao.[2] Hinati-hati ito sa mga bahaging magaspang na anatomiya (gross anatomy) at mikroskopikong anatomiya (microscopic anatomy).[2] Ang magaspang na anatomiya (na tinatawag ding topograpikong anatomiya, anatomiyang rehiyonal, o antropotomiya) ay ang pag-aaral ng mga istrukturang pang-anatomiya na makikita ng mga mata na hindi tinutulungang ng mga kagamitang katulad ng salamin o mikroskopo.[2] Ang mikroskopikong anatomiya ay ang pag-aaral ng mga maliliit na istrukturang anatomikal sa tulong ng mga mikroskopo, na kinabibilangan ng histolohiya (ang pag-aaral ng organisasyon ng mga tisyu),[2] at ng sitolohiya (ang pag-aaral ng mga selula).

Sa ilan sa mga aspeto ng anatomiya ng tao, may kaugnayan ito sa embriyolohiya, pinaghahambing na anatomiya at pilohenetika (o pinaghahambing na embriyolohiya),[2] dahil sa magkakaparehong ugat sa ebolusyon; halimbawa, namamalagi pa sa katawan ng tao ang mga isinaunang segmento ng mga parisan na nakatanghal sa lahat ng mga bertebrado na may inuulit na mga payak na pangkat, na natatanging magigisnan sa gulugod at sa kulungang-tadyang, at maaaring bakasin mula sa mga isinaunang mga embriyo.

Binubuo ng mga sistema ang katawan ng tao, na binubuo ng mga organo na binubuo naman ng tisyu, na siya namang binubuo ng selula at tisyung pandugtong.

Sinasabing ang kasaysayan ng anatomiya, sa loob ng matagal na panahon, sa patuloy na pag-unawa sa mga tungkulin ng mga organo at istruktura sa loob ng katawan. Malaki ang ipinagbuti ng mga pamamaraan, na tumalon mula sa mga eksaminasyon ng mga hayop na lumalagos sa paghiwa (diseksiyon) ng mga inimbak o preserbadong patay na mga katawan ng tao hanggang sa masalimuot na mga pamamaraang pangteknolohiya na sumulong at napabuti sa loob ng ika-20 siglo.

Mga pag-aaral[baguhin]

Ang Vitruvian Man (o Taong Vitruvian) ni Leonardo da Vinci.

Sa pangkalahatan, ang mga mag-aaral sa larangan ng pagiging manggagamot, pisyoterapista, nars, radyograper, mangguguhit, at ng ilang mga agham pang-biyolohiya, ay natututuhan ang magaspang o panlabas na anatomiya at mikroskopikong anatomiya mula sa kanilang mga modelo, mga iskeleton, mga aklat, mga ginuhit na larawan, mga litrato, mga panayam at mga sariling-pagaaral. Maaaring tulungan ang pag-aaral ng mikroskopikong anatomiya o histolohiya sa pamamagitan ng mga maparaang karanasan sa pagtingin sa mga preparasyong histolohikal (slides o mga halimbawang tisyu na nakapaloob sa maliit na salamin at tinitingnan sa ilalim ng mga tubong pansilip ng isang mikroskopo); at bilang karagdagan, ang mga estudyante ng panggagamot ay karaniwan natututunan ang magaspang na anatomiya sa pamamagitan ng mga mapamaraang karanasan sa paghihiwa (diseksiyon) at pagsusuri ng mga walang-buhay na katawan ng tao. Kailangan ang tahasang pagkadalubhasa ng anatomiya ng mga duktor na mediko, lalo na ang mga siruhano, at ang mga duktor na nagtatrabaho sa mga espesyalidad na pang-diagnostiko o pag-alam ng mga sanhi ng mga karamdaman, katulad ng histopatolohiya at radyolohiya.

Mga nakatutulong na panimulang karagdagang agham ang anatomiya ng tao, pisyolohiya at biokemistriya, na karaniwang itinuturo sa mga estudyante ng medisina sa kanilang unang taon sa paaralan ng medisina. Maituturo ang anatomiya ng tao sa pamamaraang rehiyonal o sistematiko;[2]. Ang rehiyonal na pagtuturo ay ang pag-aaral ng mga rehiyon ng katawan katulad ng ulo at dibdib, at ang sistematikong pag-aaral naman ay ang tiyakang pag-aaral ng mga sistema ng katawan katulad ng sistemang nerbyos o ng sistemang pangrespirasyon (o panghinga). Muling isinaayoas ang pinakamahalagang aklat pang-anatomiya, ang Gray's Anatomy (Anatomiyang isinulat ni Gray), mula sa presentasyong maka-sistemang pag-aaral hanggang sa pormat na maka-rehiyong pag-aaral[3] bilang tugon sa makabagong mga pamamaraan ng paglilinang.

Kalupunan batay sa kinalalagyan sa katawan (grupong rehiyonal)[baguhin]

Mga pangunahing sistemang kasangkapan (organong sistema) ng katawan[baguhin]

Isang guhit-larawan na nagpapakita ng mga masel sa likuran ng katawan (o sistemang pansangkalamnan) ng tao.

Banghay ng anatomiya ng tao[baguhin]

Human body features-nb.svg

Banghay ng anatomiya ng tao
1. Ulo
2. Mukha:Noo, Mata, Tainga, Ilong, Bibig, Dila, Ngipin, Panga, Pisngi, Baba
3. Leeg, Lalamunan, Lalagukan
4. Balikat
5. Dibdib, Suso, Tadyang
6. Pusod
7. Puson, Balakang
8. Organong seksuwal
9. Titi, Bayag, Supot ng bayag o Puki, Tinggil

10. Hita
11. Tuhod
12. Binti, Lulod
13. Bukung-bukong
14. Talampakan, Sakong, Daliri sa paa

15. Bisig
16. Siko
17. Galanggalangan
18. Palad, Daliri sa kamay

Pang-ibabaw na anatomiya[baguhin]

Larawang nagpapakita ng panlabas na anyo ng anatomiya ng isang lalaking tao.

Mahalaga ang pang-ibabaw na anatomiya ng tao para sa pag-aaral ng mga palantaandang pangkatawan na madaling makilala mula sa mga hubog o iba pang palatandaan ng pagkakakilanlan sa ibabaw ng katawan.[2] Dahil sa pagkakaroon ng mga kaalaman hinggil sa pang-ibabaw na mga bahagi ng katawan, masusukat at matatagpuan ng mga manggagamot ang mga kinaroroonan at kinalalagyan ng mga kaugnay na mga kayariang nakapailalim sa mga ito.

Mga pangkaraniwang katawagan ng mga pinakakilalang mga bahagi ng katawan ng tao, mula itaas hanggang ibaba:

Mga laman-loob[baguhin]

Ang sistemang sirkulatoryo ng tao.

Mga karaniwang pangalan ng mga kasangkapang panloob ng katawan (magkakasunod ayon sa pamamaraang pang-abakada):

Apdo — Apendiks — Glandulang adrenal — Atay — Baga — Bayag — Bato — Bena — Mga bituka — Esopago — Mga glandulang paratiroid — Mga glandulang pituitaryo — Lapay — Mga mata — Obaryo — Pali — Pantog — Prostata — Puso — Sikmura — Timus — Tiroid — Utak — Matris

Utak[baguhin]

Amygdala — Serebelyum — Serebral korteks — Gitnang-utak — Sistemang limbiko — Medulla oblongata — Pons — Tangkay ng utak

Mga sanggunian[baguhin]

Mga talababa[baguhin]

Bibliyograpiya[baguhin]

  • Estrada, Horacio R. Ang Mga Bahagi ng Katawan ng Tao, isang masusuing paglalarawan ng anatomiya ng katawan ng taong nasusulat sa wikang Pilipino, NRCP Medical Series 1, STII.dost.gov.ph
  • Estrada, Horacio R. Ang Mga Selula ng Tao, tinatalakay ng seryeng ito ang histolohiya ng mga selula at iba’t ibang uri ng mga selula, at mga bahagi ng selulang natatagpuan sa katawan ng tao; nilalarawan din nito ang dibisyon o paghahati ng mga selulas, at ang pormasyon o pagbubuo ng selula para maging isang tisyu. NRCP Medical Series 2, STII.dost.gov.ph
  • Estrada, Horacio R. Ang Gawain ng Mga Organo ng Tao, pinapaliwanang nito ang mga tungkulin ng lahat ng mga organong matatagpuan sa katawan ng tao. NRCP Medical Series 3, STII.dost.gov.ph
Wikipedia-logo-en.png
Ang artikulong ito o mga bahagi nito ay hinango o isinalin mula sa Wikipediang Ingles. Ang katumbas na artikulo nito sa Ingles ay may pamagat na: