Pumunta sa nilalaman

Lalamunan

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Guhit-larawan ng lalamunan ng isang tao.

Sa anatomiya, ang lalamunan ay isang bahagi ng leeg at nasa harap ng gulugod. Binubuo ito ng parinks at larinks. Isang mahalagang katangian ng lalamunan ang pagkakaroon ng epiglottis, isang pilag o pilas ng laman na naghihiwalay sa esopago mula sa trakeya at iniiwasan ang paghigop sa mga pagkain o inumin.

Nasa loob ng lalamunan ang iba't ibang mga sisidlang daluyan ng dugo, iba't ibang masel na paringheyal, ang trakeya (tubong daluyan ng hangin) at ang esopago. Ang mga mamalya lamang ang mayroong butong hiyoyd at balagat (o klabikula) sa loob ng lalamunan.

Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.