Tainga
Ang tenga o tainga (Ingles: ear o ears) ang organong pandama na ginagamit sa pandinigng mga tunog. May pagkakapareho sa kanilang biolohiya ang mga bertebrado, mula sa mga isda hanggang sa mga tao, na may pagkakaiba lamang sa istraktura ng tenga ayon sa sari at uri. Gumaganap lamang na tagatanggap ng tunog ang tenga, subalit mayroon ding ginagampanan sa pandamang panimbang at posisyon ng katawan. Bahagi sistemang auditoryo ang tainga. Tumutukoy ang pang-uring aural (huwag ikalito sa salitang aura) sa lahat ng bagay na may kaugnayan sa tainga.[1]
Sa halos lahat ng mga hayop, ang nakikitang tenga ay isang pilas ng laman na karaniwan ding tinatawag na pinna sa larangan ng anatomiya. Sa anatomiya ng tao, kilala ang pinna bilang aurikulo (Ingles: auricle). May isang pares ng mga tenga ang mga bertebrado, na nakalagay sa magkapantay (simetriko) na lugar sa magkabilang gilid ng ulo. Nakatutulong ang pagkakaayos na ito sa kakayahang tumuon sa pinanggagalingan at kinaroroonan ng mga tunog.
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]
- ↑ Robinson, Victor, pat. (1939). "Aural, ipinaliwanag sa ilalim ng paksang aurist". The Modern Home Physician, A New Encyclopedia of Medical Knowledge. WM. H. Wise & Company (New York)., pahina 63.

Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.