Pumunta sa nilalaman

Neuron

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Estruktura ng tipikal na neuron
Neuron

Ang neuron o nerbong selula(nerve cell o neurone) ay isang elektrikal na napananabik na selula(excitable cell) na nagpoproseso at nagpapadala ng impormasyon sa pamamagitan ng elektrikal at kemikal na pagsesenyas(signalling).Ang isang kemikal na pagsesenyas ay nagaganap sa mga sinapse(synapse) na isang koneksiyon sa ibang mga selula. Ang mga neuron ay nagdudugtong sa ibang mga neuron upang bumuo ng networko. Ang mga neuron din ang mga pangunahing bahagi ng sistemang nerbiyos na kinabibilangan ng utak, kordong espinal at periperal na ganglia. Ang ilang mga espesyal na uri ng neuron ay umiiral gaya sensoryang neuron na tumutugon sa paghipo(touch), tunog, liwanag at iba pang mga stimuli na umaapketo sa mga selula ng mga sensoryang organo na nagpapadala ng senyas(signal) sa spinal na kordo at utak. Ang mga motor na neuron ay tumatanggap ng senyas mula sa utak at spinal na kordo, nagsasanhi ng kontraksiyon ng masel(muscle) at umaapketo sa mga glandula(gland). Ang mga interneuron ay kumokonekta ng mga neuron sa ibang mga neuron sa loob ng parehong rehiyon sa utak o kordong espinal.

Ang isang tipikal na neuron ay mayroon katawan ng selula(o soma), dendrito at akson. Ang mga dendrito ay maninipis na straktura na sumasangay sa katawan ng selula at malimit ay humahaba ng 100 mikrometro at sumasangay ng maraming beses na lumilikha ng punong dendritiko. Ang isang akson ay isang spesyal na ekstensiyong selular na sumasangay sa katawan ng selula sa lugar na tinatawag na hilok ng akson(axon hillock) at naglalakbay sa isang distansiya na kasinglayo ng 1 metro sa mga tao o mas mahaba pa sa ibang sarihay. Ang katawan ng selula ay kalimitang lumilikha ng maraming dendrito ngunit hindi dadami sa isa ang akson bagaman ang akson ay maaaring sumanga ng daang beses bago ito magwakas. Sa karamihan ng mga sinapse, ang mga senyas ay ipinapadala mula sa isang akson ng neuron hanggang sa dendrito ng ibang neuron. Gayunpaman, merong mga eksepsiyon sa patakarang ito: ang mga neuron na walang dendrito, neuron na walang akson, mga sinapse na nagdudugtong ng isang akson sa iba pang akson o isang dendrito sa iba pang dendrito at iba pa.

Lahat ng mga neuron ay elektrikal na napananabik(electrically excitable) na nagpapanatili ng boltaheng gradiento sa mga membrano nito sa pamamagitan ng metabolikal na napapatakbong ion pump na sumasama sa ibang mga kanelong ion na nakakabit sa mga membrano upang lumikha ng intraselular laban sa ekstraselular na pagkakaiba ng konsentrasyon ng ion gaya ng sodium, potassium, chloride, at calcium. Ang pagbabago sa ibayong(cross) boltaheng membrano ay maaaring magpabago ng tungkulin ng mga dependiyente sa boltaheng mga kanelong ion(ion channel). Kung ang boltahe ay magbago sa isang malaking halaga, ang isang lahat-o-walang pulsong elektrokemikal na tinatawag na aksiyong potensiyal ay malilikha na naglalakbay ng mabilis sa kahabaan ng akson ng selula at nagpapagana ng mga koneksiyong sinaptiko sa ibang mga selula kung ito ay dumating.