Kalamnan
Kalamnan | |
---|---|
![]() Naglalaman ang katawan ng tatlong uri ng himaymay na kalamnan: (a) kalamnang pambuto, (b) kalamnang makinis, at (c) kalamnang pampuso. (Parehong magnipikasyon) | |
![]() Isang iskematikong diyagrama ng iba't ibang uri ng selulang kalamnan (parehong pagkakaayos tulad ng nasa taas) | |
Mga pagkakakilanlan | |
FMA | 5022 30316, 5022 |
Ang laman, kalamnan, o masel (sa Ingles: muscle; sa Latin: musculus, na may kahulugang "bubwit" o "maliit na daga")[1] ay mga nagpapagalaw na mga himaymay ng katawan at hinango mula sa patong na mesodermal ng mga selulang mikrobyong embriyoniko. Sa mga may-gulugod, inuuri ang himaymay na kalamnan sa pambuto, pampuso, at kalamnang makinis,[2][3] at tungkulin nitong lumikha ng lakas at magdulot ng galaw, na maaring isang paggalaw ng buto o paggalaw ng mga lamanloob.
Nangyayari ang karamihan sa mga paggalaw ng mga kalamnan na hindi tuwirang pinapagalaw ng isip at kinakailangan para sa buhay tulad ng galaw ng puso, o peristalsis na nagtutulak sa pagkakaing lumalagos sa sistema ng panunaw. Ginagamit ang kusang paggalaw sa pagpapakilos ng katawan, at maaring pinuhin at pigilin tulad ng mga galaw ng mata, o magaspang na kilos tulad ng sa kalamnang kuwadriseps ng hita. May dalawang malawakang uri ng himaymay ng mga kalamnang kusang-napapagalaw, mabagal na pintig, at mabilis na pintig. Kumikilos ang mga himaymay na may mabagal na pintig sa loob ng mahahabang mga panahon subalit gumagamit na kaunting puwersa, habang maliksi namang gumagalaw at madaling mapagod ang mga himaymay na mabilis kung pumintig.
Tungkulin
[baguhin | baguhin ang wikitext]Kontraksyon ang pangunahing tungkulin ng mga himaymay na kalamnan. May mahalagang pagkakaiba ang tatlong uri ng himaymay na kalamnan (pambuto, pampuso, at makinis). Bagaman, gumagamit ang lahat ng tatlong ito ng galaw ng aktina at miyosina upang makagawa ng kontraksyon.
- Kalamnang pambuto – nangyayari ang kontraksyon dito sa istimulasyon ng mga salpok pang-dagitab na dinadala ng nerbyong pangmotor. Nagkakaroon ng istimulasyon ang mga kalamnang pampuso at makinis sa pamamagitan ng panloob na mga selulang pacemaker (o hibla ng kalamnan ng nagreregula ng tulin) na panay na nagkaroon ng kontraksyon, at nagpapalaganap ng kontraksyon sa ibang selulang kalamnan na kakontak nila. Pinapagaan ang lahat ng kontraksyon ng kalamnang pambuto at maraming kalamnang makinis sa pamamagitan ng asetilkolinang neurotransmisor. Kabilang sa ibang himaynay sa kalamnang pambuto ang mga litid at perimisiyo.[4]
- Kalamnang pampuso – ito ang kalamnan ng puso. May sariling kontraksyon ito, di-kusa ang pareregula, at kailangang magpatuloy sa na may ritmo para sa buong buhay ng organismo. Kaya naman, may natatanging katangian ito.
- Kalamnang makinis – matatagpuan ito sa halos lahat ng mga sistemang organo tulad ng mga organong may puwang tulad ng sikmura at pantog; sa mga kayariang malatubo tulad ng dugo at mga lagusang linpa, at maliliit na tubo ng apdo; sa mga espinter tulad ng nasa sinapupunan, at mata. Gumaganap din ang kalamnang makinis sa mga maliliit na tubo ng glandulang eksokrino. Sinasagawa nito ang iba't ibang gawain tulad ng pagpapasak ng mga oripisyo (halimbawa, piliro, oripisyong uterino) o ang pagpapadala ng kimo sa pamamagitan ng mga malaalon ng kontraksyon ng tubo ng bituka. Lalong mabagal ang kontraksyon ng kalamnang makinis kaysa sa kalamnang pambuto, subalit mas malakas sila, mas tumatagal at nangangailangan ng mas maunting na lakas. Di-kusa rin ang kalamnang makinis, hindi tulad ng kalamnang pambuto na nangangailangan ng isang istimulo.
Mga katangian ng himaymay na kalamnan
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Kakayahang mairita – ito ang kakayanan ng kalamnan na kumilos o magbigay ng kaugnay na reaksiyon sa kahit anong reaksiyong kemikal na kinakailangan o nagaganap sa selyulang pang-ugat.
- Kakayahang konduktibidad – ito ang abilidad ng kalamnan na magparami mula sa senyas pang-dagitab patungo sa membrano.
- Kakayahang gumalaw o mag-kontraksyon – ito ang nagbibigay kakayahan sa kalamnan na magpaiksi at maglabas ng lakas kung kinakailangan.
- Kakayahang humaba – nangyayari ang pagpapahaba ng hindi nasusugatan kung kinakailangan. Kakayahang mabanat at mapaurong – ito ang pagiging lastik ng kalamnan na nagbabalik ng tunay na anyo sa kalamnan matapos na ito ay umiksi o magpahaba.
Sistemang pangkalamnan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang sistemang pangkalamnan, sistemang muskular, o pamamaraang pangsangkalamnan ay ang sistemang biyolohikal ng isang organismo at siyang nagpapagalaw sa organismong ito. Napapamahalaan ang sistemang pangkalamnan ng mga bertebrado sa pamamagitan ng sistemang nerbiyos, bagaman may ilang mga kalamnan tulad ng kalamnang pampuso na sadyang may kakayahang magsarili o kumilos mag-isa. Kasama ng sistemang pambuto sa tao, binubuo nito ang sistemang muskuloskeletal, na responsable sa pagkilos ng katawan.[5]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "Kahulugan at pinagmulan ng salitang muscle". Inarkibo mula sa orihinal noong 2008-08-20. Nakuha noong 2007-10-10.
- ↑ KMLE Medical Dictionary. "KMLE Medical Dictionary Definition of muscle (Kahulugan ng laman mula sa Talasalitaang Pangmedisina ng KMLE)". Isinangguni noong 17 Peb 2006.
- ↑ "eLS" (sa wikang Ingles). Wiley. 30 Mayo 2001. doi:10.1002/9780470015902.a0026598. Nakuha noong 24 Abril 2023.
{{cite journal}}
: Cite journal requires|journal=
(tulong) - ↑ Dave, Heeransh D.; Shook, Micah; Varacallo, Matthew (2024), "Anatomy, Skeletal Muscle", StatPearls (sa wikang Ingles), Treasure Island (FL): StatPearls Publishing, PMID 30725921, nakuha noong 2024-04-22
- ↑ Standring S, Gray H (2016). Gray's anatomy : the anatomical basis of clinical practice (ika-Forty-first (na) edisyon). [Philadelphia]. ISBN 9780702052309. OCLC 920806541.
{{cite book}}
: CS1 maint: location missing publisher (link)