Pumunta sa nilalaman

Adenoid

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang mga adenoid (tinatawag din sa Ingles bilang mga pharyngeal tonsil o mga nasopharyngeal tonsil) ay mga tisyu na nasa pinakalikuran ng ilong, na nasa loob ng bubong ng nasopharynx, kung saan sumasanib ang ilong papaloob sa bibig. Sa mga bata, normal na gumagawa ang mga ito ng isang malambot na bilog na kimpal sa loob ng bubong at panlikod (posteryor) na dingding ng nasopharynx, sa ibabaw lamang at likuran ng uvula. Ang pagtatanggal ng mga adenoid sa pamamagitan ng siruhiya ay tinatawag na adenoidektomiya.

AnatomiyaTao Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.