Balat (anatomiya)

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Para sa ibang gamit, tingnan ang Balat (paglilinaw).
Malapitang pagtingin sa balat ng tao.

Sa larangan ng sootomiya at dermatolohiya, ang balat (na kilala rin bilang iskin) ang pinakamalaking organo ng sistemang integumentaryong binubuo ng maraming patong ng mga tisyung nagbabantay sa mga nakapailalim na mga masel at mga organo.[1]

Magkakaiba ang mga kulay ng balat sa maraming mga populasyon ng tao, at maaaring tuyo at malangis ang mga kaurian ng balat. May natatanging pag-aalaga ng balat sa bawat uri, lalo na sa balat ng mukha. Sa mga tuyo o tigang na balat, mayroong mga produktong nagbibiay ng moisture gaya ng sabon, body wash, cream, lotion, at moisturizer[2][3], samantalang sa mga malangis na balat naman ay mayroons mga produktong nakakaiwas sa produksyon langis sa balat.[4]

Bilang nagsisilbing tulay pang-ugnayan sa kapaligiran, may pinakamahalagang tungkulin ang balat sa pagsasanggalang ng katawan laban sa mga mikrobyong nagdudulot ng mga karamdaman. Ang iba pang mga pangunahing tungkulin nito ay ang pagbibigay-init (insulasyon) at regulasyon ng temperatura, pagdama (sensasyon), paglikha o sintesis ng bitamina D, at pangangalaga ng mga folat ng bitamina B.

Susubukang maghilom ng masyadong napinsalang balat sa pamamagitan ng paglikha ng mga peklat, na karaniwang nagreresulta sa diskolorasyon (pangit na kulay) at depigmentasyon (kawalan ng kulay) ng balat. Maraming kondisyong medikal ang balat na karaniwang dulot ng impeksiyon ng mikrobyo at fungi. Ilan sa pinaka-karaniwang medikal na kondisyon ng balat ay tagihawat, paltos, pamamantal, eksema, at soryasis (psoriasis).[5] Karamihan sa mga kondisyong ito na nalulunasan ng mga pamahid o langis.[6]

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Skin care" (analysis) o Pangangalaga ng Balat (pagsusuri) , Health-Cares.net, 2007, webpage:HCcare.
  2. "Body Washes and Soap for Dry Skin." Healthy Beauty Me. Hinango noon 10 Abril 2019.
  3. "Dermatology Top Tips for Relieving Dry Skin." American Academy of Dermatology. Hinango noong 24 Marso 2019.
  4. "Face Wash for Oily Skin." Best Lip Balm. Hinango noong 24 Marso 2019.
  5. "All About Skin Disorders." Health Line. Hinango noong 25 Setyembre 2018.
  6. "Oil For Psoriasis" Payspi. Hinango noong 27 Setyembre 2018.
Wikipedia-logo-en.png
Tingnan ang katumbas na artikulo sa English Wikipedia para sa mas malawak na pagtalakay ng paksang ito.



Anatomiya Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.