Prostata
Ang prostata o prosteyt (Ingles: prostate, mula sa Griyegong p??st?t?? - prostates, literal na "isang tao na nakatindig sa harapan", "tagapagtanggol", "tagapagsanggalang", "tagapag-alaga", "katiwala"[1]) ay isang langkapan o tambalan na tubulo-albeolar na glandulang eksokrin ng panlalaking sistemang reproduktibo sa karamihan ng mga mamalya.[2][3]
Sa mga lalaking tao, ang prostata ay isang glandulang kasukat ng walnut na nakapaligid sa yuritra at nakalagay sa ilalim ng pantog (bahay-tubig). Nag-aambag ito ng ilang dami ng ibang mga sustansiya sa pluwidong seminal habang nagaganap ang ehakulasyon. Sa mas may edad na mga lalaki, lumalaki ang glandulang ito at maaaring magdulot ng ilang mga suliranin sa pag-ihi.[4]
Noong 2002, ang pambabaeng mga glandulang para-uretral, o mga glandula ni Skene, ay opisyal na muling pinangalanan bilang pambabaeng prostata ng Federative International Committee on Anatomical Terminology (Pederatibong Internasyunal na Lupon sa Terminolohiyang Anatomikal).[5]
Ang prostata ay magkakaiba sa piling ng iba't ibang mga espesye ayon sa anatomiya, kimika, at pisyolohiya.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ "The term ''prostates'', Liddell at Scott, "A Greek-English Lexicon", doon sa Perseus". Perseus.tufts.edu. Nakuha noong 2011-01-24.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Romer, Alfred Sherwood; Parsons, Thomas S. (1977). The Vertebrate Body. Philadelphia, PA: Holt-Saunders International. p. 395. ISBN 0-03-910284-X.
{{cite book}}
: CS1 maint: date auto-translated (link) - ↑ Tsukise, A. "Complex carbohydrates in the secretory epithelium of the goat prostate". Nakuha noong 2009-11-26.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)[patay na link] - ↑ Prostate, prostata Naka-arkibo 2016-03-07 sa Wayback Machine., bansa.org
- ↑ Flam, Faye (2006-03-15). "The Seattle Times: Health: Gee, women have ... a prostate?". seattletimes.nwsource.com. Nakuha noong 2010-03-10.
{{cite news}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya at Tao ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.