Pumunta sa nilalaman

Lapay

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Pancreas)
Ang kinaroroonan ng lapay o pankreas.

Ang lapay[1] o pankreas ay isang organong naglalabas ng mga hormona at mga ensima o ensaym upang makatulong sa dihestiyon o pagtunaw ng pagkain. Isa itong glandulang malapit sa tiyan.[2] Naglalabas ito ng mga sustansiya sa pamamagitan ng mga selulang tinatawag na mga maliliit na pulo ni Langerhans (kilala sa Ingles bilang Islets of Langerhans). Kasama ang lapay sa dalawang mga sistema ng tungkulin o punksiyon: una, sa sistemang panunaw dahil sa gampanin nito sa pagtunaw ng mga nutriyente; at pangalawa, sa sistemang endokrina para sa tungkulin nito sa paggawa o produksiyon ng mga hormona. Sa ibang paggamit ng salita, minsan ring nagagamit na pantawag ang lapay (bagaman may kamalian) para sa pali o kaya sa kolon.[2][3]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Gaboy, Luciano L. Pancreas, lapa(y) - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.
  2. 2.0 2.1 English, Leo James (1977). "Lapay, pancreas; para sa spleen mas tama ang pali na kilala rin bilang limpa". Tagalog-English Dictionary (sa wikang Ingles). Congregation of the Most Holy Redeemer. ISBN 9710810731.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 778.
  3. Blake, Matthew (2008). "Lapay, colon; spleen". Tagalog English Dictionary-English Tagalog Dictionary. Bansa.org.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), nasa Lapay Naka-arkibo 2016-03-06 sa Wayback Machine.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.