Glandulang mamarya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang glandulang mamarya ay isang organo ng mga mamalyang babae na gumagawa ng gatas upang mapakain ang bata pang anak. Nakuha ng mga mamalya ang kanilang pangalan magmula sa salitang "mamarya". Sa mga tao, ang mga glandulang mamarya ay nasa mga suso. Sa mga ruminanteng katulad ng mga baka, mga kambing, at mga usa, ang mga glandulang mamarya ay nasa loob ng kanilang mga puklo o udder sa Ingles. Ang mga glandulang mamarya ng iba pang mga mamalya na mayroong mahigit sa dalawang mga suso, katulad ng mga aso at mga pusa, ay paminsan-minsang tinatawag na mga dug sa wikang Ingles.

Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang wikitext]

AnatomiyaTaoHayop Ang lathalaing ito na tungkol sa Anatomiya, Tao at Hayop ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.