Pumunta sa nilalaman

Pons

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Pons
Isang dayagramong nagpapakita ng mga posisyon ng tatlong pangunahing subarachnoid cisternæ (makikita ang pons sa gitna)
Tinging anteroinferior ng medulla oblongata at pons
Mga detalye
Bahagi ngBrain stem
pontine arteries
transverse at lateral pontine veins
Mga pagkakakilanlan
Anatomiya ni Grayp.785
MeSHA08.186.211.132.810.428.600
NeuroNameshier-538
NeuroLex IDPons
TAA14.1.03.010
FMA67943

Ang pons ay bahagi ng brainstem. Sa tao at sa iba hayop na may dalawang paa, ito ay makikita sa pagitan ng midbrain (sa itaas) at ang medula oblongata (sa ibaba) at sa harap ng cerebellum.

Tinatawag din ang pons na pons Varolii ("tulay ng Varolius"), halaw sa isang Italyanong anatomista at siruhano na si Costanzo Varolio (1543-75).[1] Ang rehiyon na ito ng brainstem ay naglalaman ng mga neural pathway o trakto na nagsagawa ng mga signal mula sa utak pababa sa tserebellum at medula, at trakto na nagtataglay ng mga pandamang signal papunta sa thalamus.[2]

Ang pons ng tao ay may habang 2.5 sentimetro (0.98 in). Karamihan sa mga ito ay lumilitaw bilang isang malawak na nauunang bulwak na rostral sa medulla. Sa hulihan o dorsal, ang mga ito ay binubuo ng dalawang pares ng makapal na tangkay na tinatawag na cerebellar peduncles. Kinukonekta nito ang cerebellum sa pons at midbrain.[2]

Naglalaman ang pons ng mga nuclei na nagpapasa ng mga signal mula sa forebrain papunta sa tserebellum, kasama ang mga nuclei na nagsasanhi ng pagtulog, paghinga, paglunok, kontrol sa pantog, pandinig, balanse, panlasa, paggalaw ng mata, ekspresyon ng mukha, at ayos ng buong katawan.[2]

Sa loob ng pons makikita ang sentrong pneumotaxic na binubuo ng subparabrachial at ang medial parabrachial nuclei. Ang sentrong ito ang nagreregula ng pagbabago sa paglanghap at pagbuga.[2]

Idinadamay ang pons sa sleep paralysis, at gumaganap din ito ng papel sa pagkakaroon ng panaginip.

Ang pons ay maaaring nahahati sa dalawang bahagi: ang bahaging basilar ng pons, na matatagpuan lang malapit, at ang pontine tegmentum, na matatagpuan sa likod.

Mayroong ilang cranial nerve nuclei sa pons:

Karagdagang mga imahe

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Henry Gray (1862). Anatomy, descriptive and surgical. Blanchard and Lea. pp. 514–. Nakuha noong 10 Nobyembre 2010.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. 2.0 2.1 2.2 2.3 Saladin Kenneth S.(2007)

Mga kawing panlabas

[baguhin | baguhin ang wikitext]