Bulkang Cagua

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Jump to navigation Jump to search
Bulkang Cagua
Bulkang Kagwa
Singawan sa sahig ng bunganga ng Cagua
Taas1,133 m (3,717 ft) [1]
PagtatalaMga aktibong bulkan sa Pilipinas
Lokasyon
Bulkang Cagua is located in Luzon
Bulkang Cagua
Bulkang Cagua
Bulkang Cagua is located in Pilipinas
Bulkang Cagua
Bulkang Cagua
RanggoSierra Madre
Mga koordinado18°13′18″N 122°07′24″E / 18.22167°N 122.12333°E / 18.22167; 122.12333Mga koordinado: 18°13′18″N 122°07′24″E / 18.22167°N 122.12333°E / 18.22167; 122.12333
Heolohiya
UriStratovolcano
Edad ng batoPleistocene
Huling PagsabogOktubre 1907

Ang Bulkang Cagua ay isang stratovolcano na matatagpuan sa lalawigan ng Cagayan sa Pilipinas. Ito ay isa sa mga aktibong bulkan sa Pilipinas at dalawang beses nang sumabog sa naitalang kasaysayan. Nangyari ang huling pagsabog nito noong 1907.

Heograpiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Ang Cagua ay isa sa mga aktibong bulkan sa Pilipinas na matatagpuan sa lalawigan ng Cagayan sa Rehiyon ng Lambak ng Cagayan ng hilagang Luzon sa hilagang bahagi bulubunduking Sierra Madre. Ang bundok ay humigit-kumulang na 12 kilometre (7.5 mi) timog ng Gonzaga, Cagayan at 14 kilometre (8.7 mi) timog ng Port Irene sa Santa Ana, Cagayan.[2]

Heolohiya[baguhin | baguhin ang batayan]

Isang talon sa bunganga

Ang aktibidad ng unang bahagi ng Pleistocene ay nagpasabog ng basaltikong andesite o effusive basalt. Ang bulkan ay natatakpan ng napakalaking daloy ng lava 600,000 hanggang 300,000 taon na ang nakalilipas. Nagkaroon ito ng aktibidad mula saphreatic na pagsabog hanggang sa daloy ng abo. Ang bulkan ay napapatong ng isang bungangang may 1.5 kilometre (1 mi) na lawak na minamarkahan ng matalim at matarik na pader.

Mayroon itong anim na mga mainit na bukal. Maasok malapit sa bunganga; Marafil sa hilagang-kanluran; Manaring, 5 kilometre (3.1 mi) hilaga-hilagang-silangan; San Jose, 10 kilometre (6.2 mi) hilaga-hilagang-silangan; Kabinlangan, 3 kilometre (1.9 mi) hilagang-kanluran at Paminta, 2 kilometre (1.2 mi) hilaga-hilagang-kanluran.[2]

Aktibidad[baguhin | baguhin ang batayan]

Dalawang pagsabog sa kasaysayan ang naganap sa bulkan. Ang aktibidad noong 1860 ay isang phreatic na pagsabog ngunit posibleng sinundan ito ng isang pyroclastic flow. Ang panibagong pagsabog ay nangyari noong 1907.[2]

Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]

Mga Sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]

  1. "Cagua". Global Volcanism Program. Smithsonian Institution.
  2. 2.0 2.1 2.2 "Cagua". Philippine Institute of Volcanology and Seismology. Retrieved on 2014-09-26.

Mga panlabas na link[baguhin | baguhin ang batayan]

  • "Cagua Volcano Page". Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Tinago mula sa orihinal noong 2010-01-17. Nakuha noong 2008-11-14.