Bundok Merapi

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya
Tumalon sa: nabigasyon, hanapin
Bundok Merapi
Elebasyon: 2,914 metro (9,616 talampakan)
Mga koordinayts: 7°32′ S 110°26′ E
Lokasyon: Gitnang Java, Indonesia
Unang pagakyat: di-alam
Edad: 400,000 taon
Uri: Stratovolcano
Huling pagputok: 2006

Ang Bundok Merapi ay isang hugis-apang bulkan sa Gitnang Java, Indonesia. Ito ang pinaka-aktibong bulkan sa Indonesia at pumutok na ng 68 beses simula noong 1548. Bundok ng Apoy ang kahulugan ng pangalan nito. Napakalapit nito sa lungsod ng Yogyakarta, at libo-libong tao ang nasa gilid nito, kasama ang mga nayon na nasa 1700 m sa patag ng dagat.

May mga ilang pagputok na nagdulot ng mga kamatayan. Pumuputok ito mula 1992 hanggang 2002, at isang partikular na malaking pagputok na pinatay ang 43 katao noong 1994. Nagsimula itong pumutok noong 2006, at nananiniwala ang mga siyentipiko na hindi maiiwasan ang malaking pagputok.
Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.