Pumunta sa nilalaman

Teorya ng sustansiya

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Buod (sustansiya))

Ang teorya ng sustansiya, o teorya ng sustansya-katangian, ay isang pang-ontolohiyang teorya tungkol sa pagkabagay na nagpapalagay na naiiba ang isang subtansiya sa katangian. Ang bagay-mismo ay isang nagdadala ng katangian na kailangang ipagkaiba mula sa mula katangian na dala nito.[1] Sa Silanganing pilosopiya, svabhava ang katumbas na konsepto.

Sa pilosopiya, ang sustansiya ang "katas" ng isang bagay na nagbibigay-katiyakan dito. Ito ang katuturan, saysay, nilalaman o laman, ubod, buod, esensiya, kabuluhan, diwa, katotohanan ng bagay.[2] Hindi maaaring umiral ang isang bagay kung wala nito. Mula sa Latin na sub (sa ilalim) at stancia (tumayo/tumindig) ang salitang sustansiya. Kapag nahukay na natin ang paimbabaw na pagkakabalot ng isang bagay, doon pa lamang natin makikita ang pang-ilalim na sandigan ng isang bagay. Masasabi din natin na "pinakapuso" ng isang bagay ang kanyang "buod"/"pinakabuod".

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Rae Langton (2001). Kantian humility: our ignorance of things in themselves (sa wikang Ingles). Oxford University Press. p. 28. ISBN 0-19-924317-4.{{cite book}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. Gaboy, Luciano L. Substance - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.