Pumunta sa nilalaman

Cagayan Valley Regional Athletic Association

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Cagayan Valley Regional Athletic Association ay panrehiyong paligsahang pampalakasan ng Rehiyon II (Lambak ng Cagayan). Ito ay binubuo ng siyam na dibisyon, ang Batanes, Cagayan, Lungsod ng Tuguegarao, Isabela, Lungsod ng Ilagan, Lungsod ng Cauayan, Lungsod ng Santiago, Quirino at Nueva Vizcaya. Ito ay taunang isinasagawa upang piliin ang pinakamahusay na manlalarong ilalahok sa Palarong Pambansa. Isasagawa ang CaVRAA noong 2015 sa Nueva Vizcaya.

Mayroong kabuuang 16 na palakasan na pinaglalabanan sa Palaro na kinabibilangan ng pamamana, arnis, atletiks, badminton, beysbol, basketbol, boksing, ahedres, futbol, golf, gymnastics, sepak takraw, softball, paglalangoy, pingpong, taekwondo, tennis at volleyball.

Noong CaVRAA 2015, apat na bagong palakasan ang kasali, ang wrestling, wushu, billiards at futsal.