Pumunta sa nilalaman

Calendula officinalis

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Calendula officinalis
Klasipikasyong pang-agham edit
Kaharian: Plantae
Klado: Tracheophytes
Klado: Angiosperms
Klado: Eudicots
Klado: Asterids
Orden: Asterales
Pamilya: Asteraceae
Sari: Calendula
Espesye:
C. officinalis
Pangalang binomial
Calendula officinalis

Ang Calendula officinalis[1] ay isang uri ng halamang namumulaklak na kabilang sa sari ng mga Calendula, kaya't kilala rin ito bilang pampasong amarilyo (mula sa Ingles na pot marigold) o marabilya ng Inglatera (mula sa English marigold); ngunit kilala rin bilang suspiros at alaskuwatro.[2] Naging paborito ang mga ginintuang bulaklak na ito ng mga herbalista. Noong ika-12 daantaon, inirekomenda ni Macer ang payak na pagtingin lamang sa halaman upang mapainam ang pananaw ng mata, malinis ang kaguluhan ng ulo o isipan, at bilang panghimok ng kasiyahan. Noong panahon ni Culpeper, kinakain ito upang "mapalakas ang puso" at ginagamit na gamot laban sa bulutong at tigdas.[1]

Bilang halamang-gamot, ginagamit bilang malawak na panlunas ang mga talulot para sa mga sakit sa balat at pamamaga. Kinakain din ang mga talulot bilang gamot para sa maraming mga karamdamang hinekolohiko o may kaugnayan sa karamdaman ng mga kababaihan at pagbubuntis, mga kalagayang may lagnat at pagkalason, at bilang pampagalaw ng "enerhiya" ng atay. Ginagamit ang mga dahon bilang pantapal sa mga maiinit na pamamagang may kaugnayan sa gawt. Isang mabisang panlaban sa halamang-singaw ang mahalagang langis nito, partikular na para sa impeksiyon sa puki ng babaeng dulot ng lebadura.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 1.2 Ody, Penelope (1993). "Pot marigold". The Complete Medicinal Herbal. DK Publishing, Inc.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina 43.
  2. Gaboy, Luciano L. Marigold - Gabby's Dictionary: Praktikal na Talahuluganang Ingles-Filipino ni Gabby/Gabby's Practical English-Filipino Dictionary, GabbyDictionary.com.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

Marigold flower2021
Marigold CBSUA Philippines - 1