Pumunta sa nilalaman

Kapernaum

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Capernaum)

Ang Kapernaum, Capernaum, Caparnaum, o Cafarnaum[1] (Ingles: Capernaum, Capharnaum, Capharnaum; Hebreo: כְּפַר נַחוּם‎, Kfar Nahum, "nayon ni Nahum") ay isang maliit na pamayanan sa dalampasigan ng Dagat ng Galilea. Isa nang guho ang lugar na ito sa ngayon, subalit pinanirahan ng mga tao mula 150 BK hanggang bandang 750 AD.

Nabanggit ang bayan o lungsod[1] sa Bagong Tipan: sa Ebanghelyo ni Lukas iniulat ito bilang tahanan ng mga apostol na sina Pedro, Andres, Santiago, at Juan, pati na ng maniningil ng buwis na si Mateo. Sa Ebanghelyo ni Mateo (Mateo 4:13), iniulat ang bayan bilang ang tahanan ni Hesus. Ayon sa Lukas 4:31-44, nangaral si Hesus sa loob ng isang sinagoga sa Capernaum tuwing mga araw ng sabat. Sa Capernaum din sinasabi sa Bagong Tipan ng Bibliya na nagpagaling si Hesus ng isang lalaking inalihan ng espiritu ng isang maruming diyablo at kung saan rin nagpagaling ng lagnat ng biyenang babae ni San Pedro si Hesus. Ayon sa Mateo 8:5-13, ito rin ang pook kung saan nagtanong ang isang senturyonng Romano upang pagalingin ang isa niyang tagapaglingkod. May isang gulasi na maaaring isang sinagoga ng kapanahunang iyon ang natagpuan sa ilalim ng mga labi ng isang sumunod na sinagoga.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. 1.0 1.1 Abriol, Jose C. (2000). "Lunsod ng Cafarnaum". Ang Banal na Biblia, Natatanging Edisyon, Jubileo A.D. Paulines Publishing House/Daughters of St. Paul (Lungsod ng Pasay) ISBN 9715901077.{{cite ensiklopedya}}: CS1 maint: date auto-translated (link), talababa bilang 38, pahina 1482.

HeograpiyaHudaismoBibliya Ang lathalaing ito na tungkol sa Heograpiya, Hudaismo at Bibliya ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.