Pumunta sa nilalaman

Carcharias taurus

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Carcharias taurus
Katayuan ng pagpapanatili
Klasipikasyong pang-agham
Kaharian:
Kalapian:
Hati:
Subklase:
Orden:
Pamilya:
Sari:
Espesye:
C. taurus
Pangalang binomial
Carcharias taurus
Nasasakupan ng pating na tigre ng buhanginan

Ang pating na tigre ng buhanginan, pating na toro, o Carcharias taurus (Ingles: sand tiger shark, grey nurse shark, spotted ragged tooth shark, o blue-nurse sand tiger; Kastila: tiburón toro) ay isang espesye ng pating na naninirahan sa mga katubigan ng mga dalampasigan sa buong mundo. Namumuhay ito na malapit sa mga baybaying mabuhangin ng Hilagang Amerika, kaya't pinangalan bilang pating na tigre ng buhanginan. Naglalagi rin ito sa mga katubigan ng Hapon, Australia, at Timog Aprika. Sa kabila ng anyo nitong nakakatakot at matibay na kakayanan sa paglangoy, mahinahon ito ng bahagya at mabagal kung kumilos. Ang espesye ay mayroong isang matalas na matulis na ulo, at isang malaki-laking katawan. Ang haba ng pating na tigre ay maaaring umabot sa 3.0 hanggang 3.4 metro (9.8 hanggang 11.2 tal). Kulay abo sila na mayroong mga batik sa likod na mamula-mula hanggang sa kayumanggi. Mas nais ng pating na tigre ng buhanginan ang manila na malapit sa dalampasigan, at ang mga pangkat ay napagmasdang naninila ng malaking mga pangkat ng mga isda. Ang kanilang diyeta ay binubuo ng mga isdang matitinik, mga krustasyano, mga pusit, at mga isdang may butong mura (Rajidae, Batoidea). Hindi katulad ng ibang mga pating, ang pating na tigre ng buhanginan ay maaaring humigop ng hangin magmula sa ibabaw ng tubig, na nagpapahintulot dito na tumigil sa "haligi" ng tubig na kailangan lamang ang kaunting paggalaw. Sa panahon ng pagbubuntis, kakainin ng pinakamaunlad na embriyo ang kaniyang mga kapatid, isang estratehiyang pangreproduksiyon na nakikilala bilang kanibalismong intrauterino. Ang pating na tigre ng buhangin ay iniuuri bilang isang "tinatablan" (mahina) o "bulnerable" ng International Union for Conservation of Nature Red List. Ito ang pinaka malaganap na inaalagan at pinananatiling mga pating sa mga akwaryum na pampubliko dahil sa malaking sukat nito at pagpapaupabaya nito na mailagay sa nakakulong na lugar.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. Pollard, D.; & Smith, A. (2009). "Carcharias taurus". Pulang Talaan ng Nanganganib na mga Espesye ng IUCN. Bersiyong 2011.2. Internasyunal na Unyon para sa Konserbasyon ng Kalikasan.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) CS1 maint: multiple names: mga may-akda (link)