Cassius Marcellus Coolidge
Si Cassius Marcellus Coolidge (18 Setyembre 1844–13 Enero 1934) ay isang Amerikanong alagad o artista ng sining, na higit na kilala dahil sa serye o magkakasunud-sunod na siyam na mga ipinintang larawan ng mga antromorpisadong mga aso. Siya ang pinagsimulan ng ideya ng pagpipinta ng mga asong nasa tagpuang parang mga tao. Ginagaya ng kanyang mga larawan ang napakaseryosong mga manunugal na tao, katulad ng may pamagat na Dogs Playing Poker o "Mga Asong Naglalaro ng Poker" (ang pinakapangkaraniwang titulo). Ngunit mayroon din siyang pinamagatang A Friend in Need o "Isang Kaibigang Nangangailangan", sa halip na "Mga Asong Naglalaro ng Poker".[1]
Ipinanganak sa Antwerp, Bagong York sa abolisyonistang mga magsasaka, kilala si Coolidge sa kanyang mga kaibigan at mag-anak bilang "Cash". Bagaman walang pormal na pagsasanay bilang isang artista ng sining, mayroon siyang likas na kakayahan sa pagguhit ng larawan na naghantong sa kanyang paglikha ng mga kartun para sa kanyang lokal na pahayagan noong nasa mga gulang na dalawampung taon pa lamang siya. Siya ang lumikha ng mga Comic Foregrounds, mga ginupit-gupit na mga larawan kasinglaki ng buhay na mga bagay o nilalang na mayroong mga malalaking ulo upang makuhanan ng litrato at magresulta sa nakakatawang mga tauhan o karakter.
Noong 1900, nakakontrata si Coolidge sa kompanyang pampatalastas ng Brown & Bigelow ng San Pablo, Minesota, upang lumikha ng labing-anim na larawang ginagamitan ng pinturang may langis na may mga asong nasa iba't ibang mga posisyon. Siyam sa mga ito ang naglalarawan ng mga asong naglalaro ng poker. Noong 15 Pebrero 2005, dalawa sa mga ginagayang mga larawang ito, A Bold Bluff (Isang Matapang na Panlilito) at Waterloo, ang naipagbili sa subasta sa halagang $590,400, bagaman inaasahang maibebenta lang sa pagitan ng halagang $30,000 at $50,000. Isang itong rekord na pangsubasta para kay Coolidge, na dating pinakamalaking bayad lamang ay $74,000[1] para sa kanyang akdang larawan. Noong 1910, ipininta ni Coolidge ang Looks Like Four of a Kind "Tila Parang Apat ng Isang Uri" na nasa katulad na estilo ng mas naunang mga serye ng Mga Asong Naglalaro ng Poker.
Naging inspirasyon ang mga akdang larawan ni Coolidge ng mangguguhit o ilustrador na si Arthur Sarnoff na naging bantog dahil sa kanyang mga ipinintang larawang nasa estilo ng Mga Asong Naglalaro ng Bilyar (Dogs Playing Pool). Naging inspirasyon din siya ng daan-daan pang mga manggagayang mangguguhit.
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 The Christophers (2004). "Cassius Marcellus Coolidge, A Dog's Life in Pictures". Three Minutes a Day, Tomo 39. The Christophers, Lungsod ng Bagong York, ISBN 0939055384.
{{cite ensiklopedya}}
: CS1 maint: date auto-translated (link), pahina para sa Oktubre 8.
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- DogsPlayingPoker.org
- Talambuhay at larawan ni Coolidge mula sa sityo ng NNDB
- Dogs Playing Poker sell for $590K, Money.CNN.com
- Talambuhay ni Cassius Marcellus Coolidge mula sa Find-A-Grave.com
- Ask Yahoo Who painted "Dogs Playing Poker"? Naka-arkibo 2009-08-18 sa Wayback Machine., Ask.Yahoo.com