Pumunta sa nilalaman

Castel Gandolfo

Mga koordinado: 41°44′49″N 12°39′07″E / 41.74694°N 12.65194°E / 41.74694; 12.65194
Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Castel Gandolfo
Città di Castel Gandolfo
Ang bayan ng Castel Gandolfo tanaw ang Lawa Albano
Ang bayan ng Castel Gandolfo tanaw ang Lawa Albano
Lokasyon ng Castel Gandolfo
Map
Castel Gandolfo is located in Italy
Castel Gandolfo
Castel Gandolfo
Lokasyon ng Castel Gandolfo sa Italya
Castel Gandolfo is located in Lazio
Castel Gandolfo
Castel Gandolfo
Castel Gandolfo (Lazio)
Mga koordinado: 41°44′49″N 12°39′07″E / 41.74694°N 12.65194°E / 41.74694; 12.65194
BansaItalya
RehiyonLazio
Kalakhang lungsodRoma
Mga frazioneMole di Castel Gandolfo, Pavona
Pamahalaan
 • MayorMilvia Monachesi[1]
Lawak
 • Kabuuan14.19 km2 (5.48 milya kuwadrado)
Taas
426 m (1,398 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[3]
 • Kabuuan8,922
DemonymCastellani
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
00040
Kodigo sa pagpihit06
Santong PatronSan Sebastiano
Saint dayEnero 20
WebsaytOpisyal na website

Ang Castel Gandolfo (NK /ˌkæstɛl ɡænˈdɒlf/,[4] EU /kɑːˌstɛl ɡɑːnˈdlf,_ʔˈdɔːlʔ/,[5][6] Italyano: [kaˈstɛl ɡanˈdolfo] ; Latin: Castrum Gandulphi), karaniwang tinatawag na Castello lamang sa mga diyalekto ng Castelli Romani, ay isang bayan na matatagpuan 25 kilometro (16 mi) timog-silangan ng Roma sa Italyanong rehiyon ng Lazio.[7] Sakop ang mataas na bahagi ng Kaburulang Albano tinatanaw ang Lawa Albano, ang Castel Gandolfo ay may populasyon na humigit-kumulang na 8,900 na residente at itinuturing na isa sa mga pinakamagagandang bayan sa Italya.[8]

Sa loob ng mga hangganan ng bayan matatagpuan ang Apostolikong Palasyo ng Castel Gandolfo na nagsilbing paninirahan tuwing tag-init at bakasyon para sa Papa, ang pinuno ng Simbahang Katolika. Bagaman ang palasyo ay matatagpuan sa loob ng mga hangganan ng Castel Gandolfo, mayroon itong katayuang ekstrateritoryal bilang isa sa mga pagmamay-ari ng Banal na Luklukan at wala sa ilalim ng hurisdiksiyon ng Italya. Bukas ito ngayon bilang isang museo.

Pinagmulan ng pangalan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang toponimo na "Castel Gandolfo" ay karaniwang hinango sa Latin na "Castrum Gandulphi",[9] pangalan ng kastilyo na maaaring pag-aari sa site na ito ng pamilya Gandolfi, marahil ay nagmula sa Genova.[10]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Papal summer residence, shunned by Francis, opened to public". 21 Oktubre 2016 – sa pamamagitan ni/ng Reuters.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  4. "Castel Gandolfo". "Oxford Dictionaries" (sa wikang Ingles). Oxford University Press.
  5. "Castel Gandolfo". The American Heritage Dictionary of the English Language (sa wikang Ingles) (ika-5 (na) edisyon). Boston: Houghton Mifflin Harcourt. 2014.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  6. "Castel Gandolfo". Merriam-Webster Dictionary (sa wikang Ingles).
  7. Migliorini, Bruno; Tagliavini, Carlo; Fiorelli, Piero; Bórri, Tommaso Francesco (31 Enero 2008). "Castel Gandolfo". Dizionario d'ortografia e di pronunzia (DOP) (sa wikang Italyano). Rai Eri. Inarkibo mula sa orihinal noong 22 Hulyo 2011. Nakuha noong 26 Pebrero 2010.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  8. I borghi più belli d'Italia: Castel Gandolfo
  9. Spesso viene confusa con il Castrum Gandulphi la Turris Gandulphi o Gandulfa, che secondo lo storico di Ariccia Emanuele Lucidi (Memorie storiche dell'antichissimo municipio ora terra dell'Ariccia, e delle sue colonie di Genzano e Nemi, parte I, cap. IV pp. 41-42) sarebbe il toponimo con cui anticamente era designata l'attuale località di Tor Paluzzi, situata presso la frazione di Cecchina in comune di Ariccia.
  10. Nel 1125 un certo Ottone de Gandulpho fu Console di Stato della Repubblica di Genova; un altro Ottone Gandolfo nel 1123 aveva rivestito la carica di senatore a Roma.
[baguhin | baguhin ang wikitext]