Pumunta sa nilalaman

Higad

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Caterpillar)
Para sa sasakyang panlibangan, tingnan ang katerpilar.
Isang mabuhok na higad.
Parasemia plantaginis
Papilio machaon

Ang higad tinatawag rin gusano at tilas (Ingles: caterpillar) ay ang mga batang-anyo (larval stage) matapos lumabas sa itlog at bago humabi ng kanilang sariling mga bahay-uod, ng mga miyembro ng order Lepidoptera, ang grupo ng mga insekto kung saan kasapi ang mga paruparo at gamugamo (o mariposa). [1]

Ito rin ay natatawag na uod, at ang paggamit nito ay arbitraryo dahil ang uod ay maaaring itawag sa iba pang klase ng bulate o ng mga batang-anyo ng mga "sawfly".[2][3] Mas kilala ang mga higad sa pagkain ng halaman, ngunit may ibang higad (mga 1%) na kumakain ng insekto o ng kapwa-uod.

Tipikal sa mga higad ang pagiging matakaw at marami sa kanila ay kabilang sa mga agrikultural na salot. Sa katunayan, marami sa mga espesye ng gamugamo ay kilala sa kanilang batang-anyo dahil sa pagkasirang nagagawa ng mga ito sa mga ani ng pagsasaka, bagaman ang mga gamugamo ay hindi naman nagdudulot ng pinsala. Sa kabilang banda, maraming klase ng higad naman ang nakatutulong sa pag-ani ng sutla, bilang pagkain ng tao o hayop, o pang-kontrol sa mga salot na halaman.

  • Basil
  • Higad
  • Gusano
  • Tilas
  • Uod

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. English, Leo James. Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971910550X
  2. Eleanor Anne Ormerod (1892). A Text-Book of Agricultural Entomology: Being a Guide to Methods of Insect Life and Means of Prevention of Insect Ravage for the Use of Agriculturists and Agricultural Students. Simpkin, Marshall, Hamilton, Kent & Co.
  3. Roger Fabian Anderson (January 1960). Forest and Shade Tree Entomology. Wiley. ISBN 978-0-471-02739-3.


Agham Ang lathalaing ito na tungkol sa Agham ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.