Gamugamo
- Tungkol ang artikulong ito sa kulisap na gamugamo na tinatawag din na mariposa. Madalas na ipagkamali ang lumilipad na anay o langgam sa gamugamo. Para sa artikulo tungkol sa mga kulisap na nabanggit, tingnan ang anay at langgam.
Gamugamo | |
---|---|
![]() | |
Emperor Gum Moth, Opodiphthera eucalypti | |
Klasipikasyong pang-agham ![]() | |
Kaharian: | Animalia |
Kalapian: | Arthropoda |
Hati: | Insecta |
(walang ranggo): | Amphiesmenoptera |
Orden: | Lepidoptera |
Ang gamugamo na mas kilalang mariposa (Espanyol ng paruparo) ay isang insektong malapit na kamag-anak ng paruparo.[1] Karamihan sa mga lepidopteran ay mga gamugamo na inakalang nasa mga 160,000 mga espesye ng gamugamo,[2] na karamihan dito ay isasalarawan pa. Karamihan sa mga espesye ay aktibo sa gabi ngunit mayroon din namang aktibo sa araw at bukang-liwayway o dapit-hapon.
May mga lumilipad na langgam o anay na madalas na tinatawag rin na gamugamo ngunit hindi sila gamugamo.[3] Kadalasang lumalapit ang mga langgam o anay na may pakpak na ito sa mga napagkukunan ng ilaw katulad ng bombilya o apoy mula sa lampara. Kulumpon silang kung dumating kapag malapit na ang panahon ng tag-ulan sa Pilipinas ngunit mas nakikita sa Kalakhang Maynila o sa Luzon. Hindi gaanong nakikita ito sa Mindanao kung saan ang pagbagsak ng ulan ay pantay-pantay sa buong taon.[3]
Tingnan din[baguhin | baguhin ang batayan]
Mga sanggunian[baguhin | baguhin ang batayan]
- ↑ English, Leo James, Diksyunaryong Tagalog-Ingles, Kongregasyon ng Kabanalbanalang Tagapag-ligtas, Maynila, ipinamamahagi ng National Book Store, may 1583 na mga dahon, ISBN 971-91055-0-X
- ↑ "Moths". Smithsonian Institution. Nakuha noong 2012-01-12.
- ↑ 3.0 3.1 "Termite swarming season in the Philippines". Bio-Tech Environmental Services Philippines, Inc. Bio-Tech Environmental Services Philippines, Inc. 2 Mayo 2012. Nakuha noong 14 Mayo 2014.