Mukhang kailangan pong ayusin ang artikulo na ito upang umayon ito sa pamantayan ng kalidad ng Wikipedia. (Marso 2024)
Makakatulong po kayo sa pagpapaunlad sa nilalaman po nito.Binigay na dahilan:Kailangan ayusin ang pagkakasulat at balarila. Kailangan din isalin ang mga banyagang salita
Si Catherine ng Aragon na binabay-bay din bilang Katherine, isang historikal na Espanyol: Catharina</link> , ngayon ay: Catalina</link> ; Ay isinilang noong 16 Disyembre 1485 at namatay noong 7 Enero 1536. Sya ay naging Reyna ng Inglatera ng maging unang asawa nya si Haring Henry VIII mula sa kanilang kasal noong 11 Hunyo 1509 hanggang sa pagpapawalang-bisa nito noong 23 Mayo 1533. Ipinanganak sa Espanya, siya ay naging Prinsesa ng Wales habang kasal sa nakatatandang kapatid ni Henry, si Arthur, Prinsipe ng Wales, sa maikling panahon bago siya namatay.
Sya ang anak na babae ni Isabella I ng Castile at ni Ferdinand II ng Aragon, si Catherine ay tatlong taong gulang nang siya ay ipinagkasundo kay Arthur, ang tagapagmana ng trono ng Ingles. Nagpakasal sila noong 1501, ngunit namatay si Arthur pagkalipas ng limang buwan. Si Catherine ay gumugol ng maraming taon sa kalituhan at kawalan ng katiyakan, at sa panahong ito, hawak niya ang posisyon bilang embahador ng korona ng Aragonese sa Inglatera noong 1507, Sya ang pinaka unang kilalang babaeng naging embahador sa kasaysayan ng Europa. [1] Napangasawa niya si Henry sa maikling panahon pagkatapos ng pag-akyat nito sa trono noong 1509. Sa loob ng anim na buwan noong 1513, nagsilbi si Catherine bilang taga-pamahala o regent ng England habang nasa France si Henry. Noong panahong iyon, natalo ng mga Ingles ang isang tangkang pananakop ng mga Scotts sa Battle of Flodden, isang kaganapan kung saan gumanap ng mahalagang bahagi si Catherine sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang emosyonal na pananalita tungkol sa katapangan at pagkamakabayan. [2]
↑Weir 1991. harv error: no target: CITEREFWeir1991 (help)