Pumunta sa nilalaman

Enrique VIII ng Inglatera

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Enrique VIII ng Inglatera
Kapanganakan28 Hunyo 1491 (Huliyano)[1]
  • (Royal Borough of Greenwich, Kalakhang Londres, London, Inglatera)
Kamatayan28 Enero 1547 (Huliyano)[1]
LibinganSt. George's Chapel
MamamayanKaharian ng Inglatera
Trabahomonarko, kompositor
AsawaCatherine ng Aragon (11 Hunyo 1509 (Huliyano)–23 Mayo 1533 (Huliyano))
Anne Boleyn (25 Enero 1533 (Huliyano)–17 Mayo 1536 (Huliyano))
Jane Seymour (30 Mayo 1536 (Huliyano)–24 Oktubre 1537 (Huliyano))
Ana ng Cleveris (6 Enero 1540 (Huliyano)–9 Hulyo 1540 (Huliyano))
Catherine Howard (28 Hulyo 1540 (Huliyano)–13 Pebrero 1542 (Huliyano))
Catherine Parr (12 Hulyo 1543 (Huliyano)–28 Enero 1547 (Huliyano))
AnakMaria I ng Inglatera
Henry FitzRoy, Unang Duke ng Richmond at Somerset
Elizabeth I ng Inglatera
Edward VI ng Inglatera
Henry, Duke ng Cornwall
Magulang
  • Henry VII ng Inglatera
  • Elizabeth ng York
Pirma

Si Enrique VIII o Henry VIII ay naging hari ng Inglatera mula 21 Abril 1509 hanggang sa kanyang kamatayan noong 28 Enero 1547.

Mga naging asawa

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakasal si Enrique sa mga sumusunod:

  1. Katalina ng Aragón- unang asawa ni Enrique. Siya ay ang ina ni Maria I ng Inglatera. Diborsiyo. Nagkasal: 1509 Diborsiyo: 1533 Namatay: 1536
  2. Anna Bolena- ikalawang asawa ni Enrique. Pinugutan ng ulo. Ina ni Elizabeth I ng Inglatera. Nagkasal: 1533 Pinugutan: 1536
  3. Juana Seymour- ikatlong asawa ni Enrique. Namatay. Ina ni Eduardo VI ng Inglatera. Nagkasal: 1536 Namatay: 1537
  4. Ana ng Cleves- ikaapat na asawa ni Enrique. Diborsiyo. Nagkasal: 1540 Diborsiyo: 1540 Namatay: 1557
  5. Katarina Howard- ikalimang na asawa ni Enrique at pinsan ng kanyang ikalawang asawa, Anna Bolena. Pinugutan ng ulo. Nagkasal: 1540 Pinagutan: 1542
  6. Catalina Parr- huling at ikaanim na asawa ni Enrique. Naiwang buhay. Nagkasal: 1543 Naiwang buhay: 1547 Namatay: 1548

Kahalili sa pagkahari

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Ang kaniyang naging kahalili ay si Eduardo VI ng Inglatera.

Mga Katotohanan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Dapat kapatid niya, si Arturo, Prinsipe ng Wales, ang naging hari noong namatay si Enrique VII ngunit namatay siya bago ang kanyang ama. Sa dahilang ito, naging hari si Prinsipe Enrique VIII. Nagpakasal siya nang anim na beses hanggang 1543. Dalawa lamang sa kanyang asawa ang naiwang buhay: sina Catalina Parr at Ana ng Cleves. Ang pinakamatandang asawa ni Enrique si Katalina ng Aragón, na mas matanda sa kaniya; ang pinakabata sa lahat ng mga asawa ay si Katarina Howard. Si Juana Seymour (na sa Ingles ay kilala bilang Jane Seymour) ay ang naging paboritong asawa ni Enrique dahil siya lamang ang nagbigay sa kaniya ng isang anak na lalaki—si Eduardo VI.

Ang ina ni Enrique ay si Elizabeth ng Yorke at yung ama niya ay si Enrique VII. Ang mga kapatid ni Enrique ay ang mga sumusunod:

  1. Arturo, Prinsipe ng Wales
  2. Margareta, Reyna ng Pransiya
  3. Maria, Reyna ng Eskosya


TalambuhayKasaysayanInglatera Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Kasaysayan at Inglatera ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.

  1. 1.0 1.1 http://www.bbc.co.uk/history/people/henry_viii/.