Oliver Cromwell
Oliver Cromwell | |
---|---|
Kapanganakan | 25 Abril 1599 (Huliyano)[1]
|
Kamatayan | 3 Setyembre 1658 (Huliyano)[1]
|
Libingan | Westminster Abbey |
Mamamayan | Kaharian ng Inglatera (1599–) |
Nagtapos | Sidney Sussex College |
Trabaho | politiko, magsasaka[3] |
Anak | Richard Cromwell |
Pirma | |
Si Oliver Cromwell (25 Abril 1599 – 3 Setyembre 1658) ay isang Ingles na pinuno ng militar at politika na higit na nakikilala dahil sa paggawa na maging isang republika ang Inglatera, at sa pamumuno ng Sangkabansaan ng Inglatera (Komonwelt ng Inglatera). Ang mga ikinilos ni Cromwell noong panahon ng kaniyang larangan ay tila nakakalito na sa atin sa kasalukuyan. Sinuportahan niya ang Parlamento laban sa Hari, subalit inutusan niya ang kaniyang mga sundalo na buwagin ang parlamento. Sa ilalim ng kaniyang pamumuno, sinabi ng Protektorado na dapat igalang ang mga paniniwalang panrelihiyon ng mga tao, ngunit ang mga taong lumalaban sa pinaniniwalaan ng karamihan sa mga tao ay paminsan-minsan pinapahirapan at ibinibilanggo. Si Cromwell ang unang pinunong Puritano ng Inglatera.
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, Inglatera at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.