Pumunta sa nilalaman

George VI

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
George VI
Head of the Commonwealth[a]

George VI in the uniform of a field marshal
Portrait by Walter Stoneman, 1938
Padron:Br entries
Panahon 11 December 1936Padron:SndashPadron:Avoid wrap
Coronation 12 May 1937
Sinundan Edward VIII
Sumunod Elizabeth II
Emperor of India
Panahon 11 December 1936Padron:SndashPadron:Avoid wrap[b]
Sinundan Edward VIII
Sumunod Position abolished
Asawa Elizabeth Bowes-Lyon (k. 1923)
Anak
Buong pangalan
Albert Frederick Arthur George
Lalad
Ama George V
Ina Mary of Teck
Kapanganakan 14 Disyembre 1895(1895-12-14)
York Cottage, Sandringham, Norfolk, England
Kamatayan 6 Pebrero 1952(1952-02-06) (edad 56)
Sandringham House, Norfolk, England
Libingan 15 February 1952
Padron:Hanging indent 26 March 1969
Padron:Hanging indent
Lagda George's signature in black ink
Pananampalataya Protestant[c]

Si George VI (Albert Frederick Arthur George; 14 Disyembre 1895 - 6 Pebrero 1952) ay naging Hari ng Nagkakaisang Kaharian at ng mga Dominyon ng Britannikong Komonwelt mula noong ika-11 ng Disyembre 1936 hanggang sa kanyang kamatayan. Siya ang kahuli-hulihang Emperador ng India at ang kauna-unahang Pinuno ng Komonwelt.

Dahil siya ang ikalawang anak ni Haring George V, hindi siya inaasahang magmana ng trono at sa kanyang kabataan ay lagi siyang nasa anino ng kanyang nakatatandang kapatid na si Eduardo. Siya ay naglingkod sa Makaharing Hukbong Pandagat at sa Makaharing Hukbong Himpapawid noong Unang Digmaang Pandaigdig. Matapos nito ay madalas na siyang dumadalo sa mga pampublikong gawain. Pinakasalan niya si Binibining Elizabeth Bowes-Lyon noong 1923 at ang pagsasama nila ay nagbunga ng dalawang anak, si Elizabeth at si Margaret.

Ang nakatatandang kapatid ni George ay nagmana sa trono noong 1936 matapos mamatay ang kanyang ama. Ngunit, mga buwan ang lumipas ay naisapubliko ang kagustuhan niyang magpakasal sa isang Amerikana sa ngalang Wallis Simpson na dalawng beses nang nakipapagdiborsiyo. Ang dating punong ministro ng Britanyang si Stanley Baldwin ay mariing tumutol dito dahil sa kadahilanang pulitikal at relihiyoso. binitiwan ni Eduardo ang trono upang magpakasal at si George and naging ikatlong monarko sa Kabahayan ng Windsor.

Ang paghahari ni George ang tumanaw sa mabilis na transisyon ng Imperyong Britanniko patungong Komonwelt ng mga Nasyon. Ang parlyamento ng Malayang Estadong Irlandika ay nagtapos na sa direktang pagbanggit sa ngalan ng monarko mula sa Konstitusyon nito. Makaraan ang tatlong taon, Ang buong Imperyo at Komonwelt ay nasa digmaan na laban sa Alemanyang Nazi. Matapos ang dalawang taon, sinundan ito ng Italya at Bansang Hapon. Ngunit kahit panalo ang Britanya at ang mga kaalyado nitom ang Estados Unidos at Unyong Sobyet ang lumabas bilang mga bagong bansang makapangyarihan at ang Britanya ay bumulusok pababa. Ang paglaya ng Indiya't Pakistan noong 1947 ang nagtulak kay George na bitiwan ang estilong Emperador ng Indiya kahit siya pa rin ang hari. Noong Hunyo 1948, Idineklarang Republika ang Irlandiya at lumisan na sa Komonwelt. Noong 1949 naman ay naging ganap na republika na ang Indiya ngunit sila ay nanatiling miyembro ng Komonwelt. Ang mga problema sa kalusugan ni George ay nagsilitaw sa mga huling taon ng kanyang paghahari. Kaya noong 1952, namayapa na si George at siya ay pinalitan ng kanyang nakatatandang anak na si Elizabeth.

  1. From April 1949 until his death in 1952.
  2. George VI continued as titular Emperor of India until 22 June 1948.
  3. As monarch, George VI was Supreme Governor of the Church of England. He was also a member of the Church of Scotland.