Charles III
Marami pong problema ang artikulong ito. Tulungang mapabuti po ito o di kaya'y talakayin ang mga problemang nakasaad sa pahina ng usapan nito.
|
Charles III | |
---|---|
Hari ng Reyno Unido at Komonwelt ng mga Bansa | |
Paghahari | 8 Setyembre 2022 − kasalukuyan |
Pangalan sa kapanganakan | Charles Philip Arthur George |
Kapanganakan | 14 Nobyembre 1948 |
Lugar ng kapanganakan | Palasyo ng Buckingham, Londres, Reyno Unido |
Sinundan | Elizabeth II |
Konsorte kay | Diana, Princess of Wales (m.1981 div.1996) Camilla, Duchess of Cornwall (m.2005) |
Mga anak | Prince William, Duke of Cambridge Prince Harry of Wales |
Si Charles III ng Reyno Unido (ipinanganak noong 14 Nobyembre 1948 bilang Charles Philip Arthur George) ay ang Hari ng labing-anim na malayang bansang kasapi ng Nasasakupang Kakaraniwang-Yaman. Sa kasalukuyan, ang mga ito ay ang Reyno Unido, Kanada, Australya, Bagong Selanda, Hamayka, Barbados, Bahamas, Grenada, Papua Bagong Ginea, Kapuluang Solomon, Tubalu, Santa Lucia, San Vicente at ang Kagranadinahan, Antigua at Barbuda, Belis, at San Cristobal at Niyebes.
Siya ang panganay na anak nina Elizabeth II at Prinsipe Philip, Duke ng Edinburgh[1]. Hinawakan niya ang mga titulo na Prinsipe ng Wales at Earl ng Chester noong 1958 hanggang sa kanyang pag-akyat bilang hari noong 2022.[1]
Ikinasal si Prinsipe Charles sa kaniyang unang asawang si Diana, Prinsesa ng Wales magmula noong 1981 hanggang sa magdiborsiyo sila noong 1996.[1] Nagkaroon sila ng dalawang mga anak na lalaking sina Prinsipe William at Prinsipe Harry. Ikinasal si Charles sa kaniyang pangalawang asawang si Camilla, Dukesa ng Cornwall magmula noong 2005.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ 1.0 1.1 1.2 1.3 "Talambuhay ng Prinsipe ng Wales". Inarkibo mula sa ang orihinal noong 2009-01-09. Nakuha noong 2012-11-22.
{{cite web}}
: CS1 maint: date auto-translated (link)
Mga kawing panlabas
[baguhin | baguhin ang wikitext]- Opisyal na website para sa HRH The Prince of Wales
- Opisyal na websayt ng "Duchy of Cornwall Cottages"
- Opisyal na websayt ng "'The Prince's Trust'"
Ang lathalaing ito na tungkol sa Talambuhay, United Kingdom at Kasaysayan ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.