Pumunta sa nilalaman

Linyang Kabite

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Cavite Line)
Linyang Kabite
Buod
UriRehiyonal ng daangbakal
KalagayanInabandona
LokasyonKalakhang Maynila at Kabite
HanggananTutuban
Kabite
Operasyon
Binuksan noongMayo 11, 1908
Isinara noongOktubre 20, 1936
May-ariKompanyang Daambakal ng Maynila
Teknikal
Luwang ng daambakal1,067 mm (3 ft 6 in)

Ang Linyang Kabite, ay isang dating linya na pagmamayari ng Kompanyang Daambakal ng Maynila. Ang linya ay kumokonekta mula sa Tutuban at Kabite sa pagitan ng Paco at Noveleta.

Kasama ang Linyang Belt ng Maynila mula Santa Mesa hanggang Paco sa Pandacan, binuksan ang unang bahagi mula Paco hanggang Binakayan noong Marso 25, 1908 at Binakayan sa Noveleta noong Mayo 11, 1908, mula sa Noveleta hanggang Caridad ay binuksan noong Mayo 11, 1908 at sa San Roque noong Mayo 24 at sa Lungsod ng Kabite noong 1910.

Ang linya ay nagsara noong Oktubre 20, 1936 (kabilang ang segment ng Naic) at ang riles ay tinanggal noong 1937-1938.

Ang tulay sa ibabaw ng Ilog Parañaque ng Abenida Ninoy Aquino, ay ang dating linyang daangbakal ng Linyang Kabite.

  • Linyang Antipolo (ang operasyong daangbakal sa lalawigan ng Rizal noong 1905 hanggang 1941)