Pumunta sa nilalaman

Ceccano

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Ceccano
Comune di Ceccano
Lokasyon ng Ceccano
Map
Ceccano is located in Italy
Ceccano
Ceccano
Lokasyon ng Ceccano sa Italya
Ceccano is located in Lazio
Ceccano
Ceccano
Ceccano (Lazio)
Mga koordinado: 41°34′N 13°20′E / 41.567°N 13.333°E / 41.567; 13.333
BansaItalya
RehiyonLazio
LalawiganFrosinone (FR)
Pamahalaan
 • MayorRoberto Caligiore
Lawak
 • Kabuuan61.06 km2 (23.58 milya kuwadrado)
Taas
200 m (700 tal)
Populasyon
 (2018-01-01)[2]
 • Kabuuan23,380
 • Kapal380/km2 (990/milya kuwadrado)
DemonymCeccanesi
Sona ng orasUTC+1 (CET)
 • Tag-init (DST)UTC+2 (CEST)
Kodigong Postal
03023
Kodigo sa pagpihit0775
Santong PatronSan Juan Bautista
Saint dayHunyo 24
WebsaytOpisyal na website

Ang Ceccano ay isang bayan at komuna sa lalawigan ng Frosinone, Lazio, gitnang Italya, sa Lambak Latin.

Ang bayan ay nagmula bilang isang sinaunang kuta ng mga Volsco na sumuko sa mga Romano noong 424 BK.[3] Ang pangalan nito noong sinaunang panahon ay Fabrateria Vetus.

Ayon sa tradisyon, ang pangalan ay binago tungo sa kasalukuyan noong unang bahagi ng Gitnang Kapanahunan, bilang parangal sa isang Petronius Ceccanus, ama ni Papa Honorio I. Nasakop ng mga Lombardo noong panahon ni Haring Aistulf (c. 750), kalaunan ay naging isang mahalagang kuta ng mga teritoryong Papal. Noong 1218, isang monghe mula sa kalapit na Abadia Fossanova ang nagtipon ng Anales ng Ceccano. Mula 900 hanggang 1450 pinamunuan ito ng mga lokal na Konde ng Ceccano, malamang na nagmula sa Aleman; kalaunan ang kanilang mga teritoryo ay itinalaga kay Rodrigo Borgia ni Papa Alejandro VI at pagkatapos ay sa pamilya Colonna.

Mula noong Nobyembre 3, 1943 at Mayo 31, 1944, sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang bayan ay nakaranas ng 38 atake sa himpapawid mula sa mga puwersang Alyado sa kabila ng kawalan ng estratehikong halaga. Ang isa sa mga pambansang bantayog, ang Simbahan ng Santa Maria a Fiume, ay nawasak. Ang artista ng digmaan mula sa Hukbo ng Canada na si Charles Comfort ang nagpinta ng bayan sa pag-iral nito noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "Superficie di Comuni Province e Regioni italiane al 9 ottobre 2011". Istat. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  2. "Popolazione Residente al 1° Gennaio 2018". Istat. Inarkibo mula sa ang orihinal noong 30 Hunyo 2019. Nakuha noong 16 Marso 2019.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link)
  3. The History of Rome, Book II, Theodor Mommsen, (Kessinger Publishing, 2004), p. 112.