Cecilia ng Remiremont
Si Santa Cecilia ng Remiremont (ipinanganak noong ika-7 daang taon), kilala rin bilang Santa Clara ng Remiremont, ay isang Pransesang birhen, santa, at relihiyosa. Isa siyang anak na babae ni San Romaric (binabaybay ding San Romarico, San Romary, o San Remiré). Bilang pagsunod sa yapak ng kanyang ama, si Santa Cecilia at kanyang kapatid na babaeng si Alzatrude (o Azeltruda) ay pumasok sa isang kumbentong pambabae ng isang monasteryong nakilala sa paglaon bilang Remiremont. Naging madre superyora si Santa Cecilia ng monasteryong ito. Sa tulong ng unang abad ng nasabing monasteryo na si Amatus, nakapag-alaga si Cecilia at kanyang mga madre ng isang kolonya ng mga bubuyog. Pagkaraan ng kamtayan ni Santa Cecilia, may mga taong nakaranas ng mahimalang paggaling mula sa pagkabulag at ibang suliranin sa mata sa pamamagitan ng pagpapamagitan o intersesyon ni Santa Cecilia. Ito ang dahilan kung bakit pinangalanan din si Santa Cecilia bilang Santa “Clara” na nangangahulugang “malinaw”, na may kaugnayan sa pagbibigay ni Santa Cecilia ng tulong na nakapagpapalinaw ng paningin.[1]
Mga sanggunian
[baguhin | baguhin ang wikitext]- ↑ Saint Cecilia (Clara) of Remiremont, Virgin and Religious (7th century), Magnificat, Tomo 11, Blg. 6, Agosto 2009, pahina 168.
Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.