Pumunta sa nilalaman

Chandas

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
Chandas
KlasipikasyonDi-Latin
Mga nagdisenyoMihail Bayaryn
LisensyaGNU GPL

Ang Chandas ay isang tugmang Unicode na OpenType na tipo ng titik para sa Devanagari. Bagaman dinisenyo ang tipo ng titik para sumulat ng Sanskrit, maaring gamitin ito sa lahat ng mga wika na sinusulat sa sulating Devanagari, kabilang ang Hindi, Konkani, Marathi at Nepali. Ginawa at pinapanatili ang tipo ng titik ni Mihail Bayaryn, at nakalisensya sa ilalim ng GNU General Public License.

Naglalaman ang tipo ng titik na Chandas ng 4347 glipo, 325 kalahating-anyo, 960 kalahating-anyo na baryasyong-konteksto, 2743 pang-angkop na palatandaan.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. http://www.sanskritweb.net/cakram/ Sanskrit Webb (sa ingles)