Simbolong pangkimika
Ang isang simbolong kimikal o sagisag na pangkimika (Ingles: chemical symbol) ay isang maiksing anyo ng pangalan ng isang elementong kimikal. Sa karaniwan, binubuo ito ng isa o dalawang mga titik, ngunit paminsan-minsan ding binubuo ng tatlong mga titik. Ang mga simbolong pangkimika ng lahat ng mga elemento ay nakatala sa loob ng talahanayang peryodiko.
Ginagamit din ang mga ito habang nagsusulat ng mga ekwasyong pangkimika: Halimbawa na ang C + O2 → CO2. Dito ang C ay sumasagisag para sa karbon at ang O ay sumasagisag para sa oksiheno. Ang ilang mga simbolong pangkimika ay ang pinaikling pangalan ng kanilang mga pangalan, partikular na ng kanilang pangalang nasa wikang Ingles. Bilang halimbawa, ang H ay ang simbolong pangkimika ng hidroheno, na nakikilala sa Ingles bilang hydrogen. Ang ilang mga simbolong pangkimika ay ang pinaiksing anyo ng kanilang mga pangalan na nasa wikang Latin. Halimbawa na ang Na na simbolong pangkimika ng sodyo, na sa Latin ay 'Natrium' (na ang Ingles ay Sodium).
Paglalarawan
[baguhin | baguhin ang wikitext]Ang isang simbolong pangkimika ay isang napagkasunduang pangdaigdigang kodigo o palatandaan para sa isang elementong pangkimika, na binubuo ng isa, dalawa, o kaya tatlong mga titik. Karaniwang hinahango ito magbuhat sa pangalan ng elemento, na karaniwang magmula sa wikang Latin. Tanging ang unang titik lamang ng pangalan ng elemento ang pinalalaki. Halimbawa na ang He na simbolo para sa helium (na hindi nalalaman ang pangalan nito sa wikang Ingles noong kapanahunan ng sinaunang Roma), Pb para sa tingga (lead sa Ingles, na plumbum sa Latin), "W" para sa tungsten (wolfram sa wikang Aleman, na hindi nakikilala noong panahon ng sinaunang mga Romano). Ang pansamantalang mga simbolo na nakatalaga para sa isang bagong nabuo o hindi pa nabubuo (sumailalim sa sintesis) na mga elemento ay gumagamit ng mga simbolong mayroong 3 mga titik na nakabatay sa kanilang mga bilang na pang-atomo. Halimbawa na ang Uno, na pansamantalang simbolo para sa Hassium, na dating nagkaroon ng pansalamantalang pangalan na Unniloctium.
Ang mga simbolong pangkimika ay maaaring baguhin o dumaan sa proseso ng modipikasyon sa pamamagitan ng paninitik o paglalagay ng mga superscript o mga subscript (isang prosesong tinatawag sa Ingles na to prepend na may kaugnayan sa to append) upang tukuyin ang isang partikular na isotopo ng isang atomo. Bilang dagdag, ang idinagdag na mga pangtitik (mga superscript) ay maaaring gamitin upang ipahiwatig ang ionisasyon o katayuan ng oksidasyon ng isang elemento.
Ang nakakabit na mga pang-ibabang pantitik (subscript) o pang-itaas na pantitik (superscript) na tumutukoy sa isang nukleotayd o molekula ay mayroong sumusunod na mga kahulugan o mga posisyon:
- Ang bilang ng nukleon (bilang ng masa) ay ipinapakita sa posisyon ng pang-itaas na pantitik na nasa kaliwa (halimbawa na ang 14N)
- Ang bilang ng proton (bilang na atomiko) ay maaaring ipinapakita sa posisyon ng pang-itaas na pantitik na nasa kaliwa (halimbawa na ang 64Gd)
- Kung kinakailangan, ang kayuan o estado ng ionisasyon o ang isang masiglang kalagayan ay maaaring ipipapakita sa posisyon ng pang-itaas na panitik na nasa kanan (halimbawa na ang katayuan ng ionisasyon na Ca2+). Sa astronomiya, ang hindi ionisadong hidrohenong atomiko ay madalas na nakikilala bilang "HI", at ang ionisadong hidroheno ay "HII".[1]
- Ang bilang ng mga atomo ng isang elemento na nasa loob ng isang molekula o langkapangang pangkimika ay ipinapakita sa posisyon ng pang-ibabang pantitik na nasa kanan (halimabawa na ang N2 o Fe2O3)
- Ang isang radikal ay ipinapakita sa pamamagitan ng isang tuldok na nasa kanang gilid (halimbawa na ang Cl· para sa isang radikal ng klorido
Sa wikang Intsik, ang bawat isang elementong pangkimika ay mayroong isang ideograpo, na karaniwang nilikha para sa layuning ito, bilang sagisag nito (tingnan ang Mga elementong pangkimika sa mga wika sa Silangang Asya).