Pumunta sa nilalaman

Pangulo ng Republika ng Tsina

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya
(Idinirekta mula sa Chen Shui-bian)

Ang Pangulo ng Republika ng Tsina (Tsinong pinapayak: 中华民国总统; Tsinong tradisyonal: 中華民國總統) ay ang pinuno ng estado ng Republika ng Tsina (ROC) (karaniwang kilala bilang Taywan noong dekada 1970). Itinatag noong 1911 and Republika ng Tsina na namuno sa buong Tsina. Gayunpaman, bilang resulta ng Digmaang Sibil ng Tsina, nawalan ng Republika ng Tsina ang kontrol nito sa Tsinang Kontinental sa mga Komunista habang nananatili pa rin ang pamumuno nito sa Taywan, Penghu, Kinmen, Matsu at ibang mga pulo. Itinatag naman ng mga Komunista ang Republikang Popular ng Tsina (PRC) sa Tsinang Kontinental na tinataguriang nag-iisang pamahalaan ng buong Tsina.

Ang umiiral na pamunuan ay ibinuo noong 1948 sa ilalim ng 1947 Saligang Batas ng Republika ng Tsina at impormal naman itong itinuturing bilang "Pangulo ng Taywan" (Tsinong pinapayak: 台湾总统; Tsinong tradisyonal: 臺灣總統).

Hindi kinikilala ng PRC ang pag-iral ng ROC. Hanggang noong huling bahagi ng dekada 1980, ginamit ng PRC ang mga tandang panipi na naglilibot sa mga salita para sa lahat ng mga opisyal na posisyon at organisasyon ng ROC tulad ng "Pangulo" at "pamahalaan" upang mangahulugan ng 'di-pagkilala nito, isang gawing ginawa rin ng ROC. Noong gitnang bahagi ng dekada 1990, ang pamantayang gawi ng mga pahayagan sa PRC ay ang pagtawag sa pamahalaan ng ROC bilang "pamunuan ng Taywan" (Tsinong pinapayak: 台湾当局; Tsinong tradisyonal: 臺灣當局) at ang Pangulo ng ROC bilang "pinuno ng Sona ng Taywan" (Tsinong pinapayak: 台湾地区领导人; Tsinong tradisyonal: 臺灣地區領導人), kung saan ang dalawang mga terminolohiya ay hindi ginagamit kasabay ng mga tandang panipi.[1]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]
  1. "台湾地区领导人选举结束 马英九、萧万长获胜-海峡两岸-人民网". Inarkibo mula sa orihinal noong 2016-03-03. Nakuha noong 2009-03-22.{{cite web}}: CS1 maint: date auto-translated (link) Naka-arkibo 2016-03-03 sa Wayback Machine.

Usbong Ang lathalaing ito ay isang usbong. Makatutulong ka sa Wikipedia sa pagpapalawig nito.