Pumunta sa nilalaman

Children of Zion

Mula sa Wikipedia, ang malayang ensiklopedya

Ang Children of Zion (Mga Anak ng Zion) o The Path of Agony of the Tehran Children (Ang Daan ng Paghihirap ng mga Anak ng Tehran) ay isang aklat na isinulat ni Henryk Grynberg tungkol sa kinahantungan ng mga hudyo ng Poland.[1][2][3][4]

Nalimbag ang Children of Zion noong Enero 1998 at itinuturing na isang dokumentaryo batay kaluponan ng di-kumpletong talaan mula sa Palestine noong taon ng 1943 ng Eastern Center for Information, isang grupong pang-pamahalaan ng Poland. Naging sanggunian ang aklat ng mga testimonya ng mga kabataan hudyo na tinanggal mula sa Unyong Sobyet patungong Palestine. Isinaayos ni Grynberg ang kolesksyon ng mga interbyu upang magsilbing paalala hinggil sa Holocaust. Nagbigay ng ideya hinggil sa pamumuhay noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang mga karanasang ito ng mga kabataang Polako. Bukod sa pagsalakay ng mga Aleman at Ruso, mayroon ding pagtalakay tungkol sa mga alaala kung kailan nagsimula ang digmaan, tungkol sa paglalakbay ng mga kabataan, ang buhay nila sa labas ng Poland, at ang kanilang kondisyon pagkatapos ng tinatawag na Kasunduang Sikorsky na nagpahintulot sa kanilang pag-alis sa kampong hinihintilan. Naging mga ulila ang karamihan sa mga kabataang ito. Nasa Institusyong Hoover ng Pamantasang Standford ang orihinal na dokumento na naging basehan ng Children of Zion ni Grynberg.[1][2][3]

Katauhan ng mga kabataan

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Nakapaloob sa Children of Zion ni Grynberg ang orihinal na listahan ng mga kabataang Polako na dumating sa Eretz Israel (Lupain ng Israel) noong ika-18 ng Pebrero, 1943, maging yaong dumating noong Agosto 1943, at yung mga nagbigay ng testimonya. Tumakas ang mga kabataang ito mula sa inokupang Poland papunta sa Rusya bago dumating sa Eretz Israel.[5]

Mga pagsasalin

[baguhin | baguhin ang wikitext]

Naunang ilathala ang aklat ni Grynberg sa wikang Polako bilang Dzieci Syjonu (Warszawa: Karta) noong 1994. Kalaunan, isinalin ito sa wikang Hebreo ni Zeev Shos (Yad Vashem, Jerusalem) noong 1995. Isinalin ang Children of Zion ni Grynberg sa wikang Ingles ni Jacqueline Mitchell, isang taga-pagsalin sa Mga Nagkakaisang Bansa (United Nations), at inilathala ng Palimbagan ng Pamantasang Northwestern noong 1998.[1][2]

Mga sanggunian

[baguhin | baguhin ang wikitext]